Sue Larawan mula sa IG/Sue Ramirez

‘Susko!’

April 28, 2024 People's Tonight 62 views

DINAGDAGAN pa ng aktres na si Sue Ramirez ang nag-iinit na klima ng mga netizens sa kanyang pa-dyoga.

Tila nagpupumilit mag-hello ng ‘pakwan’ ng aktres sa pinakabagong Instagram post nito.

“Develop the quality of being unstoppable,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Bukas ang zipper ng leather jacket na suot ni Sue na para bang nag-aaya ng mga titig. Wala siyang suot sa loob ng nasabing jacket kaya naman dibdiban ang labanan sa pag-awra niya.

Mukhang juicy ang pakwan ni Sue sa paningin ng mga barako, swak na swak ngayong grabe ang init ng summer.

Sinabayan pa ng wet look ng aktres na siyang nagpataas ng kanyang karisma sa nasabing larawan.

Noon pa man ay pantasya na ng mga kelot si Sue sa pagiging bombshell nito. Magpahanggang ngayon ay hindi patitinag ang mga ito kahit na binabakuran na si Sue ng kanyang nobyong Mayor ng Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez.

Sa comment section nga ng nasabing post ay pinagkaguluhan ang ibinanderang hotness ng aktres. Bet na bet nilang ma-meet sa personal si Sue at masaksihan ang beauty nito ng malapitan.

Narito ang ilang komentong mababasa sa post ni Sue: “Gandang di nakakasawa tingnan”, “Kaya pala nag iinit ang CP ko, mainit pala dito sa IG”, “Sheshhh she’s hotter than summer”, “The itty bitty titty committee sya”, “Pwede panlaban sa mga international models si sue astig mo dyan Lodi”, at “Sana naging jacket nalang si ako.”

AUTHOR PROFILE