Bagatsing Pinangunahan ni dating 5th District Rep. Cristal Bagatsing ang pagbubukas ng bagong Police Community Precinct sa Baseco Compound kasama sina DDDA P/Col. Raul Tacaca, P/Lt. Col. Rodel Borbe, at P/Capt. Eduardo Zamora na siyang commander ng bagong police station sa lugar. Kuha ni Jon-jon Reyes

Bagong MPD PCP sa Baseco inilunsad

November 10, 2022 Jonjon Reyes 688 views

ISANG bagong tayong Police Community Precinct (PCP) ang inilunsad ng Manila Police District (MPD) sa kahabaan ng seawall na sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila para tugunan ang pagresponde sa anumang karahasan at pagpigil sa kriminalidad.

Sa pangunguna ni Police Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, inilunsad ang unveiling at ribbon-cutting ceremony kasama si dating 5th District Congresswoman Cristal Bagatsing, na sinaksihan nina Deputy District for Administration (DDDA) P/Col. Raul Tacaca, na naging representante ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

Kabilang din sa mga dumalo ay sina P/Col. Igmedio Bernaldez ng District Logistic Department, P/Maj. Leo Labrador, deputy commander ng Baseco Police Station, at mga opisyal ng MPD, barangay officials sa pamumuno naman ni Punong Barangay Diana Espinosa.

Binasbasan ang bagong PCP ni Fr. Fray Asis Bajao ng Sto. Niño Church, kura paroko sa Baseco Compound at ginanap ang turnover ng “ceremonial key” kina Borbe at P/Capt. Eduardo Zamora na siyang itinalagang commander ng bagong istasyon ng pulis sa Baseco.

Layunin ng pamunuan ng MPD

Isa sa layunin ng MPD na panatilihin ang kaayusan at mabawasan ang insidente ng karahasan sa Baseco, sa tulong ng MPD Police Station 13.

Ayon pa kay Borbe, mismong ang MPD chief ang nagbigay ng direktiba na laging paiiralin at palakasin pa ang pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Brig. Gen. Donnel Estomo na “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE).

“Tuloy-tuloy na nagigiging mapayapa at tahimik na ang lugar sa Baseco dahil sa [k]aragdagang mga pulis na magbabantay 24/7, katulong ang Barangay at mamamayan ng Lungsod ng Maynila,” ani Borbe.

AUTHOR PROFILE