Default Thumbnail

Bida si misis sa departamento

December 8, 2021 Allan L. Encarnacion 307 views

Allan EncarnacionSabi ng Comelec, wala pa raw puwedeng makasuhan sa premature campaigning kasi sa Pebrero 2022 pa naman daw magsisimula ang campaign period.

Tanong, paano mo naman kakasuhan ng premature campaigning kung pasok na sa campaign period ang kanilang pangangampanya?

Boom! Buhay pa kayo!

***

Kaya pala laging kasama ni Cabinet secretary si misis sa kanyang opisina dahil grabe raw ito magalit na puwede niyang ikaatake sa puso.

Hanep naman sa palusot.

Ibig sabihin pala nito, si misis na rin ang nagpe-preside ng mga meeting sa opisina na isang official function sa gobyerno pero pribadong tao ang nagmamando.

At ang balita natin, si misis na rin ang nagpapapirma ng mga appointments, nagpapasok ng contractors para sa mga proyekto ng departamento.

Malamang, si misis na rin ang nagdidikta kung magkano ang komisyon.

Kung ganyan pala, dapat si misis na lang ang naging kalihim at ginawa na lang househusband si mister!

Tindi nyo a!

***

Ito namang isang gobernador ay ipinaglihi sa hunyango.

Noong dilawan ang Presidente, nakausot ng dilaw ang buong katawan. Nang maging Presidente si Mayor Duterte, umasta na ring “Davaoeno” dahil mula sa pagiging dating balimbing, nagpanggap naman siyang durian mula 2016.

Nang maramdamang lumalakas noong una ang kulay na asul ni Isko, hayun, biglang naging kakulay na ni Yorme.

Pero ang balita ngayon, dahil lumalakas sa survey si BBM, kulay pula naman ang suot niya nito lang nakaraang linggo. Biglang iniwanan naman si Yorme.

Sino ang gobernador na ito?

Madaling makilala si gob kasi may lover boy din ito ng isang nurse na binili niya ng condo.

***

Mahigit 300 na lang ang COVID cases nitong nakaraang Martes.

Sana lang ay huwag pa rin maging kampante ang ating mga kababayan kahit patuloy ang pagbaba ng kaso ng virus.

Puwede nating sabihin na malaking tulong ang bakuna sa magandang development na ito sa gitna ng pandemic.

Mas magandang 2022 sana ang naghihintay sa ating lahat.

[email protected]