Bela for good na sa London?

November 25, 2021 Aster Amoyo 306 views

BelaIS Fil-Brit actress, screenwriter, film producer and vlogger Bela Padilla moving to London for good?

“So I moved to London a few months ago. I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now. I’m ready to let you in to my life and tell you more about it. Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” mensahe niya sa kanyang Instagram post.

Bela (30) who is Krista Elysse Hidalgo Sullivan in real life ay anak ng isang British national na si Cornelius Gary Sullivan habang ang kanyang ina na si Margatette Carino Hidalgo ay pinsang-buo sa mother side ng magkakapatid na Robin, Rommel at BB Gandanghari (Rustom) Padilla. Ang maternal grandmother ni Bela at ina nina Robin, Rommel at BB na si Mommy Eva Carino ay magkapatid.

Bela has elder half-siblings sa father side and an elder brother sa kanyang mother. The actress traced her fraternal roots in London and got reunited with her siblings, maybe one major reason for her decision to move to London. Another reason could be her Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay na kanyang nakilala in Switzerland habang sinu-shoot nila ni Carlo Aquino ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” in 2017.

May ilang buwan na ring wala sa bansa si Bela. She first stayed in Switzerland before moving to London.

Bago umalis ng Pilipinas ay may tinapos siyang pelikula under Viva Films, ang local adaptation ng K-movie na “Spellbound” na pinagtambalan nila ni Marco Gumabao at kung saan din tampok ang aktres na si Rhen Escano. Tinapos din niya ang kanyang directorial debut project, ang “366” na pinagtambalan nila ni Zanjoe Marudo which she wrote and co-produced. She also co-wrote the story ng “Camp Sawi” along with Direk Irene Villamor and her ex-boyfriend na si Neil Arce in 2016 na sinundan ng “Last Night” na pinagtambalan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga in 2017 at dinirek ni Joyce Bernal.

Si Bela ay isang mahusay na aktres at writer sa kanyang henerasyon kaya marami ang nanghinayang sa kanyang maagang pagtalikod sa showbiz. Tiyak na mami-miss din siya ng kanyang close friends in the industry including Angelica Panganiban, Kim Chiu, Dani Barretto, Direk Irene Villamor at marami pang iba.

RabiyaRabiya at ex-BF mutual ang paghihiwalay

ISA nang ganap na Kapuso talent ang 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo who turned 25 last November 14. Four days later nung November 18 ay lumagda siya ng kontrata bilang bagong contract talent ng GMA Artists Center. Bukas, araw ng Sabado, November 27 ay matutunghayan ang dating beauty queen sa kanyang kauna-unahang pagganap sa “Wish Ko Lang” on GMA. Looking forward din siyang makatrabaho ang iba pang Kapuso stars and talents ngayong pinasok na rin niya ang larangan ng pag-arte sa tulong ng kanyang bagong home studio, ang GMA.

Rabiya is yet to meet her estranged father who is an Indian-American doctor na kasalukuyang naka-base sa Amerika.

Samantala, hiwalay na rin si Rabiya sa kanyang first and boyfriend of seven years, ang non-showbiz na si Neil Salvacion. It was a mutual break-up and they remain friends.

YoungSlater and Kryz girl ang gustong second baby

EX-PBB big winner (2012), engineer and businessman Slater Young and his wife of almost three years, ang vlogger na si Kryz Uy-Young (31) are both excited na ibinalita na ipinagbubuntis ngayon ng huli ang kanilang magiging pangalawang baby. Ang kanilang panganay na anak na si Scott Knoa ay nag-one-year old last June 2.

Although hindi pa nila planong magkaroon ng second baby, the couple consider it a blessing.

Slater is turning 38 on December 19.

Umaasa naman ang mag-asawang Slater at Kryz na baby girl ang kanilang magiging second baby.

JeffreySuper daring ang pagbabalik ni Jeffrey bilang direktor

SINGER, actor-turned director Jeffrey Hidalgo is back at directing movies matapos ang kanyang 2015 movie na “Silong” na tinampukan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos and the 2021 movie na “General Admission” na pinagbidahan naman nina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera. He just wrapped-up his first directorial project sa bakuran ng Viva na siya ring nangangalaga ng kanyang career hindi lamang bilang director kundi bilang singer at recording artist at bilang actor na rin.

Si Jeffrey ang director ng erotic-drama movie na “Eva” na tinatampukan ng mga bagong sibol na sexy stars sa bakuran ng Viva tulad ng Fil-Korean na si Angeli Khang (who plays the title role as Eva) kasama sina Sab Aggabao, Marco Gomez, Ivan Padilla, Angelica Cervantes at Quinn Carillo. Ang nasabing pelikula ay matutunghayan sa Pinoy streaming app na Vivamax on December 24. Ito bale ang Christmas presentation ng Vivamax.

“Paiinitin namin ang inyong Pasko,” birong pahayag ni Sab na kasama rin sa pelikulang “Pornstar 2” ni Direk Darryl Yap.

Ayon kay Direk Jeffrey, ang “Eva” ay isa at simula lamang sa mga pelikulang gagawin niya under Viva.

While he is more passionate now bilang isang director more than his being a singer at actor, inaasahan pa rin ni Direk Jeffrey na magagampanan pa rin niya ang kanyang first love, ang singing at pangalawa ang acting.

Bukod sa pagiging director ng “Eva,” may special guest appearance din si Direk Jeffrey sa nasabing pelikula. Nagpapasalamat din siya sa tiwala na ibinigay sa kanya hindi lamang ng Viva kundi maging ng bumubuo ng cast ng “Eva” na super daring kumpara sa mga naunang pelikula ng Viva na ipinalabas on Vivamax app.

Subscribe, like and share “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE