Gabbi

Gabbi at Khalil, natagpuan ang ‘the one’ sa isa’t isa

November 24, 2021 Vinia Vivar 397 views

KhalilIsa sa matatatag na relasyon sa showbiz ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Magsi-six years na pala ang relasyon nila at bagama’t low key, kitang-kita na okay na okay ang lahat sa pagitan nila.

Sa virtual mediacon last Tuesday para sa bago nilang project sa GMA-7, ang Stories From the Heart: Love on Air, both were saying na talagang happy sila sa isa’t isa.

“Ako, sobra-sobrang happy kasi ever evolving ‘yung relationship namin and you know, there’s nowhere or no one else I could imagine myself with than Gab kasi sobrang as in we fit like a glove and we compliment each other so well. So, she’s my favorite person,” sabi ni Kalil.

Sinegundahan naman ito ni Gab at ang ganda rin ng kanyang sinabi.

“’Yung puso ko ngayon is very secure, very safe and very much sincerely happy. Talagang I couldn’t ask for more,” ani Gabbi.

Masasabi ba nilang “the one” na ang isa’t isa?

“Ako, I’m the type of guy who dates to marry. So, the short answer to that question is yes,” sey ni Kalil.

Ganundin ang sagot ni Gabbi, “Yes, of course. I feel like anong point ng relationship if that’s not what you’re eyeing? So, as of the moment, yes.”

Pangatlong project na ito together nina Khalil at Gabbi.

Ang una ay sa pelikulang LSS at ang pangalawa naman ay sa Regal Studio Presents sa GMA-7.

Pero mas magaan daw ang pagtratrabaho nila rito sa Love on Air dahil mas collaborative sila pagdating sa mga eksena.

“Tapos na kami sa stage na nagkakapaan kami, so it’s just more of like playing with each other’s characters na. We sit down, we discuss about the scene. And what I like about our dynamics is that we’re both very giving, talagang we try to be generous. We’re really generous when it comes to emotions, nuasances, so very swak na talaga ang working relationship namin,” sabi ni Gabbi.

Magsisimula na ngayong Nov. 29 ang Love on Air sa GMA Afternoon Prime.

Kasama rin sa anthology sina Kate Valdez, Jason Francisco, Kiray Cellis, Anjo Damiles, Psalms David at Sunshine Cruz.

KAKASUHAN NG RAPE

Nagsampa na ng kasong rape si Rica (Charlie Dizon) laban kay Jigs (Markus Paterson) upang makamit ang hustisya sa sinapit niya at pabulaanan ang pagsisinungaling nito sa mga tao sa tunay na nangyari sa viral video sa hit seryeng Viral Scandal.

Nang malabas ni Rica ang saloobin sa kanyang inang si Kakay (Dimples Romana) at makita kung gaanong naapektuhan ang kanyang pamilya, nagdesisyon na ang dalaga na sumunod sa ina upang maghain ng kaso laban sa konsehal.

Inalala nga niya ang nangyari noong gabing iyon at nagpa-medical exam na rin para alamin ang kanyang kalagayan. Ngunit hindi nila alam na may nakasunod sa kanilang tauhan ni Bobby (Gian Magdangal) at sinabi na sa amo ang balita.

Agad ngang kinumpronta ni Bobby ang anak na si Jigs at pinaamin.

Sinabi ni Jigs na nadala siya nang makitang walang malay si Rica at ni-record niya ang panghahalay sa babae.

Ibinunyag din niya na sinend niya ito sa kanyang mga kaibigan at suspetsa niya na si Archie (Vance Larena) ang nagkalat nito.

Sa kabilang banda, hindi naman mawala sa isip ni Kyle (Joshua Garcia) ang pagsagip niya kay Rica nang magtangka itong magpakamatay.

Samantala, umaapaw pa rin ang papuri ng netizens tungkol sa show sa social media.

Nag-trending nga ang hashtag ng episode na #ViralScandalConfessions pati na ang taglines na Pogs on Viral, Viral BeaPogs the Beginning at si Aljon Mendoza sa Twitter Philippines.

Umabot naman ng lampas 1 milyon views sa Tiktok ng RCD Narratives ang eksena nang pagtatanggol ni Bea (Karina Bautista) sa kanyang ina at kapatid.

Napapanood ang Viral Scandal gabi-gabi, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC at WeTV iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE