Heart

Heart, ipinakilala ang bagong baby

November 24, 2021 People's Tonight 342 views

SANIB-PUWERA ang magkapatid na Camille Ongpauco at Heart Evangelista sa bago nilang business venture sa beauty and wellness na Pure Living.

Brainchild ng magkapatid ang bago nilang venture.

Biro nga ni Heart sa launch ng Pure Living, “I told you I was pregnant,” pregnant pala sa bagong “baby” niya.

“Pure Living is your new beauty and wellness partner. It proudly wears three brands, Luxelle, Ultima and Vitasense. As a fresh entrant, it is a nod to self care. Its universality underscores this current market trend, propelling Pure Living into bringing beauty and wellness products closer to the local sphere,” saad ni Heeart.

Isang homegrown organization ang Pure Living.

Bisitahin ang kanilang website para madagdagan ang kaalaman kung paano makaka-avail ng produkto nila.

BEA, BAGONG MUKHA NG TANDUAY

CONFIDENT, trusted, classy and sexy.

’Yan ang deskripsiyon ng digital brand manager ng Tanduay na si Edzel Ty kay Bea Alonzo.

Si Bea ang bagong larawan ng Tanduay para sa 2022.

Siya ay na-introduce bilang bagong brand ambassadress ng alak sa short film na The Perfect Match sa Facebook kahapon.

Second time na nilapitan si Bea ng brand and ngayon lang siya pumayag maging Tanduay girl, ayon sa pahayag niya sa gmanetwork.com.

Kahilera ni Bea na naging Tanduay calendar girls sina Ivana Alawi, Ellen Adarna, Bela Padilla, Heart, Erich Gonzales at Barbie Imperial. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE