Bed

‘Bedspacer’ at ‘Karinyo Brutal,’ paunang handog ng Vivamax sa 2024

January 7, 2024 Ian F. Fariñas 2238 views

Bed1Unang linggo pa lang ng 2024, kakabog agad ang dibdib niyo sa sexy psycho-thriller na handog ng Vivamax – ang Bedspacer.

Pinagbibidahan nina Christine Bermas at Micaella Raz, iikot ito sa kwento ni Janice na tinatakasan ang isang iskandalo pero mapapasok sa mas matinding kapahamakan.

Tahimik at may pagkamahiyain si Janice (Christine), pero nagkarelasyon sa kanyang titser.

Nag-viral pa ang video nila kung saan nagkaroon ng kumprontasyon. Dahil sa kahihiyan, lumipat si Janice ng eskuwelahan.

Gusto niya lang na mapag-isa sa bagong eskwela, pero napansin siya ng campus heartthrob na si Ryan (JD Aguas).

Sinama niya ito sa kanyang mga kaibigan, pero naungkat ang kanyang viral video.

Hiyang-hiya muli si Janice, pero may magtatanggol sa kanya – si Lexi (Micaella).

Naging mag-roommate sina Janice at Lexi. Malakas ang personalidad ni Lexi, ibang-iba kay Janice, kaya naman iniidolo niya ito.

Sa paghikayat ni Lexi, binago ni Janice ang kanyang pananamit at paggalaw. Kay Lexi rin siya natutong mag-party, gumamit ng droga at sumama sa kahit sinong lalaki.

Umikot ang mundo ni Janice kay Lexi hanggang ma-obsess siya rito at ginaya niya ang itsura nito.

Samantala, may atraso si Lexi sa ex-boyfriend niya na nagbebenta ng droga. Sa panganib na dala ng kanyang ugnayan kay Lexi, maibabalik pa ba ni Janice ang kanyang sarili para mabuhay nang malaya?

Sa direksyon ni Carlo Obispo, kasama sina Matthew Francisco, Aria Bench at Aila Cruz sa Bedspacer na kasalukuyan nang palabas sa Vivamax.

Isa pang exciting Vivamax Original Movie ang aabangan sa pagsisimula ng taon, ang Karinyo Brutal.

Ito’y kwento naman ng sadistang pang-aakit at nakakabaliw na pagmamahal.

Pinangungunahan ito nina Apple Dy, Armani Hector, Benz Sangalang, Maebelle Medina, Ghion Espinosa at Caira Lee.

Ang Karinyo Brutal ay pelikula ng multi-awarded at renowned director na si Joey Reyes.

Sa istorya, may isang babaeng bihag ng mapagmalupit niyang asawa. Maghahanap siya ng tulong at pagmamahal sa bagong lalaking darating sa buhay niya.

Si Ariel (Armani) ay lilipat sa apartment ng kanyang pinsan at dito ay mahihiwagaan siya sa bago niyang kapitbahay na si Cristine (Apple).

Magkakakilala ang dalawa nang magpatulong si Cristine kay Ariel na ayusin ang nasirang kuryente sa apartment niya.

Magiging malapit ang dalawa at ibubunyag din ni Cristine kay Ariel ang sikreto niya — na siya ang naging kabayaran ng tatay niya para sa malaking utang nila sa isang questionable businessman na si Edmund Lucero (Benz) na ngayon ay asawa na niya.

Mapusok at sadista ang pagtatalik nina Edmund at Cristine. Natatakot si Cristine kung anong pwedeng gawin ni Edmund kapag iniwan niya ito, pero mas takot siya sa pwede pa nitong gawin sa kanya kapag hindi niya ito hiniwalayan.

Mas mapapadalas naman ang pagkikita nina Cristine at Ariel kapag wala si Edmund at tuluyan silang mahuhulog sa isa’t isa.

Hihingi rin muli ng tulong si Cristine kay Ariel pero para sa mas malaking problema, ang makalaya mula sa malaimpiyerno niyang buhay kasama si Edmund.

Matulungan kaya ni Ariel na makuha ni Cristine ang kanyang kalayaan? O malalaman ni Edmund ang mga plano nila at habambuhay niyang ikukulong si Cristine sa piling niya?

Panoorin ang Karinyo Brutal na streaming exclusively sa Vivamax simula sa January 12.

Ang Bedspacer at Karinyo Brutal ay ang unang dalawang pelikula ng Vivamax para sa taong 2024.

AUTHOR PROFILE