Rescue BFP RESCUE – Makapigil-hininga ang ginawang pagrescue ng mga miymebro ng Bureau of Fire Protection sa isang babaeng nagtangkang tumalon mula sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Binodo, Maynila.

Bebot tinangkang tumalon mula ika-6 na palapag

March 31, 2023 Jonjon Reyes 417 views

ISANG 22-anyos na dalaga ang napigilan sa pagpapakamatay, sa pamamagitan ng pagtalon sana nito mula sa ika-anim na palapag ng gusali sa Alvarado Street, Binondo, Maynila Biyernes ng umaga, sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang dalaga ay kasambahay sa may Alvarado Street.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rex Layug, commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, bandang 8 ng umaga nang magkaroon ng tensiyon sa lugar habang pigil-hininga sa panonood ang mga tao mula sa ibaba ng gusali, dahil anumang oras ay tatalon ang babae mula sa gutter na nasa ika-anim na palapag ng isang gusali.

Ilang concerned citizens ang nagreport sa tanggapan ni Layug na agad namang nakipag-ugnayan sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Agad namang rumesponde ng mga dakong 9:10 ng umaga ang mga bumbero sa pangunguna ni Senior Fire Officer 2 Villaluz at Fire Officer 2 Timi Ling, habang bitbit ang gagamiting harness para makipag-negosasyon sa dalaga.

Ngunit desidido ang babae na magpakamatay habang nakaupo ito sa ibabaw ng gutter.

Habang malumanay na kinakausap at pinapakalma ng mga operatiba ng BFP ang babae na binalak tumalon, dito naka-tiyempo ang mga BFP at bigla na lamang dinamba ang dalaga, kaya’t mapayapang nailigtas ito mula sa kapahamakan.

Kasalukuyang sumasailalim sa psychiatry ang dalaga upang malaman ang kaniyang dahilan kaugnay sa kaniyang tangkang pagpapakamatay.

AUTHOR PROFILE