Beaver

BEAVER, PAANDAR ANG PROMPOSAL KAY MUTYA

March 23, 2023 Ian F. Fariñas 459 views

PAANDAR at maraming kinilig sa promposal na ginawa ni Beaver Magtalas kay Mutya Orquia.

Mula sa set-up ng venue sa romantikong Tagaytay at pasorpresang pagdating ni Beaver doon para pormal na mag-propose kay Mutya para maging date niya sa Star Magical Prom na idaraos sa March 30, palung-palo ang netizens sa socmed post ng nasabing okasyon.

Bukod sa pagsasabing “’kala ko ba may klase ka?’ eh pinaandaran din ni Beaver si Mutya ng isang harana.

Well, aminado naman si Beaver na close talaga sila ni Mutya sa totoong buhay kaya ito ang gusto niyang makapareha sa Star Magical Prom.

Kumpleto pa sa pa-placard si Beaver kung saan nakasulat ang katanungang: “Miss Mutya Orquia, Will you be may ‘date’ at the Star Magical Prom?”

Kung “yes” ang sagot ni Mutya, i-click niya ang heart. At kung “yes” pa rin ang sagot, dapat niyang i-click ang “thumbs up.”

So, walang kawala si Mutya sa promposal ni Beaver. Either or ang piliin ng dalaga, sila pa rin ang magkakasama sa gabing iyon ng Star Magical Prom.

Bongga!

AUTHOR PROFILE