Yassi

Relasyong James-Issa, ikinagulat ni Yassi … Nadine, nag-sorry sa kaibigang aktres

March 23, 2023 Ian F. Fariñas 309 views

NadineJamesINAMIN ni Yassi Pressman na nagka-anxiety siya sa mainit na isyung kinasasangkutan niya, ng kapatid na si Issa, ang rumored boyrfriend nitong si James Reid at ang ex-GF ng huli na si Nadine Lustre.

Sa mediacon kahapon ng bagong twintastic comedy series niyang Kurdapya na produced ng Viva Entertainment para sa TV5, sinabi ni Yassi na nagkausap na sila ni Nadine at nag-sorry ito sa kanya.

Kwento ni Yassi, “Sinabi ko sa kanya, ‘Uy, girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’ She said, ‘sorry to hear that. I hope you’re feeling better,’ kasi ‘yun po ‘yung totoong magkaibigan.”

Ayon pa sa aktres, na gumaganap sa dalawang karakter, Kuring at Daphne, sa Kurdapya ni Direk Easy Ferrer, okay ang relasyon nila ni James.

Gaya raw ng marami, si Yassi man ay nagulat nang lumabas ang balitang may relasyon na sina James at Issa.

Aniya, “Nagulat lang din po ako siyempre. Sabay-sabay po tayo, huh?! Ganu’n! Ano? Ganu’n po, hahaha! Pero nu’ng sinabi po ‘yun sa akin recenly, hinayaan ko na rin po na magdesisyon ‘yung mga tao because they’re old enough naman to make their own decisions na rin po, eh.

“Saka lahat po ng tao may choice at kung wala naman pong ibang taong tinatapakan at everybody’s not doing anything wrong naman, feeling ko, wala naman pong problema… ’yon,” pagtatapos ng dalaga.

Anyway, kasama ni Yassi sa cast ng Kurdapya sina Marco Gumabao, Ryza Cenon, Nikko Natividad, Juliana Segovia at marami pang iba.

Napapanood ang Kurdapya tuwing Saturday, 6 p.m., sa Kapatid network.

AUTHOR PROFILE