Xian

Xian, sumulpot na sa ‘Hearts on Ice’

March 23, 2023 Ian F. Fariñas 304 views

Napanood na si Xian Lim bilang Enzo sa GMA primetime series na Hearts On Ice.

Nakita sa episode ang pagdaan ng motorsiklo ni Enzo sa restaurant kung saan kumakain si Ponggay (Ashley Ortega) kasama ang mga kaibigan niyang figure skaters.

Habang kilig na kilig ang friends niya sa mysterious rider, bwisit na bwisit naman si Ponggay dahil maangas at feeling hari ng kalsada raw ito.

Hindi niya inakala na siya na pala si Enzo, ang dati niyang childhood friend sa mall. Kailan nga ba muling magkikita sina Enzo at Ponggay? Matandaan pa kaya nila ang isa’t isa?

Tutukan ang first-ever figure skating series sa bansa na Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies.

Mapapanood din ‘yan sa GTV tuwing 11:30 p.m. at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

AUTHOR PROFILE