Rhea

Beautederm, dagdag-bawas ng ambassadors sa 2024

November 27, 2023 Vinia Vivar 138 views

Inanunsyo ni Rhea Anicoche-Tan na marami pang mukhang madadagdag sa listahan ng celebrity ambassadors ng Beautederm sa 2024.

Sinabi ito ng founder/CEO ng Beautederm sa bonggang birthday celebration niya last Saturday.

Ayaw pa niyang sabihin kung sino ang mga bagong mukha na madadagdag at ang clue lang niya, mga kakaiba at hindi natin inaasahan na mapupunta sa Beautederm.

“May taga-ibang bansa at may mga ‘yung A-lister na matagal ko na ring pangarap po ay makukuha ko na sa wakas,” aniya.

At the same time, may mga ambassador din na magbababu na.

“Kasi, ‘di ba, ‘yung iba, ‘pag hindi nagpo-post, hindi mo na rin ire-renew kasi sayang naman po kasi ang dami namang artista na pwedeng tumulong sa negosyo,” she said.

Hindi na sinabi pa ng well-loved businesswoman kung sinu-sino ang mawawala pero for sure ay mapapansin din naman natin ‘yan eventually.

Anyway, masayang-masaya naman siya na marami siyang endorsers na mula pa nang nagsimula ang Beautederm ay nand’yan pa rin at karamihan nga sa mga ito ay naging parang pamilya na niya.

AUTHOR PROFILE