Alden

Alden, type maging aktor, direktor at produ sa next project

November 27, 2023 Jun Nardo 193 views

PRODUCER, actor at director na ang gustong mangyari ni Alden Richards sa kanyang next film project, ayon sa pahayag niya sa social media.

Actor-producer si Alden sa last movie niyang Five Breakups and a Romance.

Kumita ito, ayon sa reports.

Kadalasan, sa mga Hollywood actor nakikita ang three-in-one roles sa isang movie.

Nagkaroon na rin ng ganito sa ilan nating local films gaya ng movies na ginawa ni Fernando Poe Jr.

Base sa nakikita namin noon sa past local films, iilan lang na artista ang nagtatagumpay pagsabayin ang tatlong roles sa isang movie.

Kung makakaya ni Alden ang ganitong set-up, walang basagan ng trip, ‘no!

AUTHOR PROFILE