Vilma

MULING PAGDIDIREK, WALA SA PLANO NI ATE VI

November 27, 2023 Jun Nardo 349 views

NASUBUKAN nang magdirek ni Vilma Santos-Recto ng isang telemovie nu’ng mauso ito sa telebisyon. Pero hindi na nasundan pa.

Sa filmfest movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo, isa si Boyet sa mga naging director at nanatiling artista si Ate Vi.

Pero ayon sa Star for All Seasons nang makausap namin sa fans’ day niya, “Tumulong kami ni Yetbo sa execution ng mga eksena namin.

“Sinasabi sa amin ang eksena at kami na ni Boyet ang gumagawa sa gusto naming mapanood. Kaya organic ‘yung scenes namin,” pahayag niya.

Wala pa sa isip ni Ate Vi ang muling magdirek. Isa sa movies na gagawin niya ay ang sa Viva Films, isa sa muling nagtiwala sa kanya nu’ng panahong namroblema siya sa finances.

AUTHOR PROFILE