SRR

‘Shake, Rattle & Roll,’ walang kupas ang magic

November 27, 2023 Vinia Vivar 542 views

May nostalgic feel habang nanonood kami ng Shake, Rattle & Roll Extreme sa ginanap na red-carpet premiere night sa Market Market last Sunday.

Bilang kinalakihan na nga natin ang SRR franchise na ipinapalabas tuwing Kapaskuhan for so many years, while we were watching ay hindi namin maiwasang magunita ang mga nagdaang Christmas na pinipilahan namin ito sa sinehan noong bata kami.

Nakakatuwa rin na marinig muli ang sigawan ng mga tao sa sinehan habang nanonood just like in the old days.

Panay ang sigawan ng mga tao sa tatlong episodes ng SRR Extreme na Glitch, Mukbang and Rage dahil sa matinding suspense ng mga eksena.

In fairness, lahat ng mga bida ay magagaling na sinimulan ni Iza Calzado sa Glitch mula sa direksyon ni Richard Somes.

May action scene siya at hindi pa rin nawawala ang kanyang Amihan moves sa Encantadia.

Sa last scene niya na nakikipaglaban siya sa monster ay nagsisigawan talaga ang mga tao.

Bongga rin ang Mukbang starring Jane Oineza, RK Bagatsing and Paul Salas directed by Jerrold Tarog. May pagka-comedy ang episode at super-laugh kami sa mga eksena.

Revelation dito ang content creator na si Ninong Ry dahil kahit first time niyang umarte ay nakasabay siya’t natural na natural ang kanyang acting.

Sa Rage episode naman, ipinamalas muli ni Jane de Leon ang husay niya sa action. Kasama naman niya rito sina Paolo Gumabao, Bryce Eusebio, Robb Gomez at marami pang iba mula sa direksyon ni Joey de Guzman.

After watching the film, we’d say na hindi pa rin kumukupas ang ‘magic’ ng SRR. Hindi man ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023, kapag pinanood n’yo ang pelikula ay may ‘Christmas feel’ pa rin kayong mararamdaman dahil intended ito ngayong holiday season.

Showing na sa mga sinehan ang SRR Extreme sa Nov. 29 mula sa Regal Entertainment, Inc.

AUTHOR PROFILE