Bea

Bea, sumawsaw sa 2022 polls

September 26, 2021 People's Tonight 304 views

HANDA nang sumawsaw ni Bea Alonzo sa 2022 elections pero bilang botante at hindi kandidato, huh!

Nag-reactivate si Bea ng kanyang voter’s registration upang makaboto next year.

Ipnakita pa nga niya sa kanyang Insatagram ang dokumento na kanyang pinil-up-an sa reactivation niya.

Sa caption niya, sinabi niyang gusto niyang ma-pactice ang karapatan niya sa pagboto.

Kaya sa huling bahagi ng caption ng Kapuso actress, nagtanong siya ng, “Nakapag-register ka na ba?”

Naku, bumoto kayo next year dahil exciting ang labanan sa Presidente at Bise Presidente, huh!

MARK, NAGKATRABAHO

BINIGYAN na ng trabaho si Mark Herras ngayong nasa poder na siya ng GMA Artist Center.

Bida si Mark sa fresh episode ng Magpakailanman tonight na My First, My Forever kasama si Klea Pineda.

Dahil nga wala na sa poder ni Manay Lolit Solis si Mark bilang manager, need niya na ring kumayod nang husto lalo na’t nagpakasal na sila ng partner niyang si Nicole Donesa at may isa na silang anak. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE