Heart

Mamahaling shoe collection, ibinalandra ni Heart … aktres, namakyaw ng segunda manong sapatos kay Rufa Mae

September 26, 2021 Vinia Vivar 392 views

Sa kanyang latest vlog ay ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang shoe collection na, of course, karamihan ay branded at mamahalin.

Grabe as in grabe ang dami ng kanyang mga sapatos na ang iba ay mula pa noong bata siya.

Ayon sa aktres, “shoe person” talaga siya even when she was young.

Sa naturang vlog ay ipinakita niya ang ilan sa mga paborito niyang pares kabilang na ang vintage Louis Vuitton strappy sandals na gamit niya since 18 years old pa lamang siya, ang Christian Louboutin pumps niya na itinuturing daw niyang lucky shoes at siyempre, ang kanyang Christian Louboutin wedding shoes sa kasal nila sa Balesin ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Kabilang din sa kanyang mga ipinakita ang dalawang pares ng second-hand heels na binili niya kay Rufa Mae Quinto.

“You know who also has a really good collection, Filipino artist? Rufa Mae Quinto,” pagbabahagi ni Heart.

“My god, her collection. She had a little sale on her Instagram. I’m sorry guys if wala na kayong naabutan kasi binili ko na lahat ng magaganda. Sobrang ganda ng collection niya. As in all runway Chanel boots. But she was playing around with six five, six, and seven, and I could only fit size seven. So I also got shoes from her,” aniya.

Nakabili raw siya kay Rufa Mae ng Gucci shoes sa halagang P5,000.

“Gucci? 5,000 pesos?” sey niya.

“Tapos ‘yung iba nilibre na lang niya. ‘Sige na, okay na, ang ganda.’ ‘3,000 lang ‘yan, sige na, bigay ko na ‘yan.’ Ganyan. She’s so cute,” kwento pa ni Heart.

Ang iba pang mamahaling brand na matatagpuan sa shoe closet ni Heart ay Chanel, Manolo Blahnik, YSL, Guissepi Zannoti, Dolce and Gabbana, Casadei, Tony Bianco at Rene Caovilla.

BUMONGGANG ONLINE PA-RAFFLE

Nakaka-touch si Alfred Vargas dahil kahit abala bilang public servant ay pinaunlakan agad ang imbitasyon ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na mag-host sa kauna-unahang virtual awards night ng 36th Star Awards for Movies kasama ang kapwa-Kapuso na si Sanya Lopez.

Nakakatuwa rin na nag-enjoy naman ang aktor/politiko sa taping kasama si Sanya at naalala niya tuloy ang serye nilang Encantadia 1 and 2.

Parang breather na rin kasi sa aktor ang ganitong showbiz events gayundin ang paggawa ng movies and drama series dahil naging mas priority niya talaga ang mga constituent mula nang pumasok sa pulitika.

Kaya kahit once or twice a year, tumatanggap siya ng acting projects dahil nami-miss niya ang pag-arte.

Samantala, labis ang pasasalamat ni Cong. Alfred sa kapwa niya artistang tumutulong sa proyekto nila sa Q.C., ang “PM: Pusong Matulungin Online Raffle.”

“Super suwerte kami sa partners. We learned na marami talagang gustong tumulong sa kapwa. Nakagagaan ng loob. Parami nang parami ‘yung partners every week. Bale may 62 weeks na namin itong ginagawa,” kuwento niya.

Ang nasabing pa-raffle ay proyekto nila ng kapatid na si Konsi PM Vargas at sinimulan nila ito na mula sa sarili nilang bulsa ang ipinamimigay na premyo.

“Pero the following week may dumagdag na sponsors, naging five. Ngayon, we have around 60 sponsors na. They give what they can. No pressure. Welcome lahat ng tulong.

“Meron ding mga tumulong at nag-donate na mga artista like Ai-Ai de las Alas, Rocco and Melissa Nacino, Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, Carmina Villarroel, Shaina Magdayao, Carlene Aguilar, Direk Mac Alejandre, Lara Quigaman,

Dimples Romana, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Patricia Tumulak and Solenn Heusaff, among others.

Happy din siya na ang maliit na online raffle ay palaki na nang palaki dahil sa rami ng sponsors at nagdo-donate.

“Exactly 62 saturdays ago (nang simulan). Si PM ’yung nakaisip. He thought of a way na makatulong at makapagbigay saya sa tao by using social media. We started na raffle, 10 grocery bags lang, then one tablet, then one mountain bike only.

“Ngayon more almost 200 na ang raffle items weekly. Minsan umaabot pa ng 350 per week. Estimate, we have given around 12 to 15,000 raffle prizes already since last year. ’Yung major prizes, kami ni PM usually and nagde-deliver sa winners,” saad ni Cong.

By the way, mapapanood na ang virtual 36th PMPC Star Awards for Movies bukas, Sunday, September 26, sa STV digital TV at RAD streaming platform, alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Ipapalabas din ito ng alas-9 ng gabi sa iba’t ibang online platform gaya ng PMPC Facebook page, FDCP FB Page (Film Development Council of the Philippines), Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page, EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.

AUTHOR PROFILE