Beadom1

Bea ’di na isinusuot ang engagement ring… tanong ng netizens: Okay ba sila ni Dom?

February 2, 2024 Vinia Vivar 217 views

Nagtatanong ang netizens kung may tampuhan ba ngayon ang engaged couple at malapit nang ikasal na sina Dominic Roque and Bea Alonzo.

Napansin kasi nilang hindi na suot ni Bea ang engagement ring nila ni Dom sa mga larawang ipinopost nito.

Bukod dito, napuna rin ng netizens na nagbababad sa IG ng dalawa na lately ay walang photos na ipinopost ang BeaDom na magkasama.

Sa isang post ni Bea ng kanyang mga larawan ay isang netizen ang nagtanong ng, “bakit d na suot ang engagement ring?”

Sagot naman ng isa, “Oo nga noh?! Inulit ko tingnan kamay ni Bey. Hehehe.”

Depensa naman ng isang netizen, “Minsan naman di nya sinusuot yan malimit kong nakikita minsan suot minsan hindi pwede nman ang ganun.”

Sa isa pang post ni Bea ay isang fan naman ang nagtanong ng “idol kumusta na kayo ni dom?”

May sumagot naman ng “para ngang wala na silang pinopost?? tapos di narin sinusuot ni bea ung engagement ring na binigay ni dom.”

Um-agree naman ang isa at aniya, “Na noticed ko din… may recent post si Dom 3 hrs ago picture nya mag isa tapos he turned off the comment section… hope everything is ok, siguro busy silang dalawa preparing for their wedding,” komento ng netizen.

Pag-ayon naman ng isa pang netizen, “yes no likes and comments rin sila sa mga recent post nila. Dati super sweet eh huhu”

May mga kumontra naman at sinabing busy ang dalawa sa wedding preparations.

Sey ng isa, “ok po sila sabi nga po ni ms @ayumanaog tuloy ang beadom sa japan for eras tour baka next week ang alis nila.”

Well, upon checking, ang last post ni Dom na magkasama sila ni Bea ay four weeks ago habang ang aktres naman ay three weeks ago pa ang huling upload niya ng photo nila ng fiancé.

Wala rin si Dom sa gender-reveal party nina Rambo Nuñez at Maja Salvador at tanging si Bea lang ang dumalo base sa mga picture na nakita namin.

Wala naman si Bea sa recent birthday celebration ng mommy ng aktor.

Normally, magkasama sila sa ganitong mga okasyon.

Sa IG ni Dom, nag-request ang netizens na mag-post naman siya ng pictures nila ni Bea.

Sa huling panayam namin kay Dominic almost two weeks ago, sinabi niya na naiinis sa kanya minsan si Bea dahil akala nito ay hindi siya hands on sa wedding preparations.

Pero sinabi rin niya na dapat ay matapos na nila ang mga important detail sa wedding at magdi-distribute na sila ng ‘save the date’ card sa guests.

Well, ano kaya ang masasabi nina Bea at Dom sa pang-iintrigang ito ng mga Marites?

AUTHOR PROFILE