Beadom Larawan mula sa IG/@beaalonzo

Bea ‘biggest risk’ pagsasapubliko ng relasyon kay Dominic

December 3, 2023 People's Tonight 215 views

BIGGEST risk daw na ginawa ng aktres na si Bea Alonzo ay ang pagbabahagi niya sa publiko ng kanyang relasyon sa aktor at fiance niyang si Dominic Roque.

Sa isang vlog kasama ang YouTuber-actress na si Ivana Alawi, lakas-loob na sinagot ni Bea ang tanong na “What was the biggest risk you took?”

Paliwanag ng aktres, noong una ay natakot siyang isapublikong muli ang kanyang relasyon dahil sa naranasan noon kasama ang kanyang dating nobyo.

“Personally, no’ng nagboyfriend ulit ako, nung si Dom. Kasi ‘yung huli ko, sobra niyang public na naisip ko ‘ayoko na yata mag-ano.’ Tapos parang hindi ko alam kung tama bang i-share pa sa public. Kasi alam mo, nakakahiyang paulit-ulit magkamali sa harapan ng mga tao,” sey ni Bea.

“Kasi grabe, ‘yung mga comments nila akala mo kilala ka nila ‘di ba? ‘Yung pinagdadaanan mo. And I don’t blame them kasi in-open mo eh, nasa social media ‘yan eh. Parang nasa kanila ‘yon to consume,” pagpapatuloy pa niya.

“‘Yun nga, ‘yung biggest risk ko is to share it with the public, ‘yung relationship ko with Dom ngayon kasi nga nakakatakot eh what if hindi siya mag-work. Buti na lang, siya pala yung endgame ko,” wika pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE