Basurero kinain ng garbage truck, patay

January 31, 2022 Jonjon Reyes 68 views

PATAY ang isang 51-anyos na truck helper matapos pumasok sa loob ng garbage truck at mabasag ang mukha madaling araw nitong Lunes sa Compound ng Vitas Marine Loading Station sa Road 10 sa Brgy. Vitas, Tondo, Manila.

Namatay noon din ang biktimang si Arnel Pascual Y Carpio , may asawa , truck helper sa Leonel Waste Management na makikita sa Barangay 105 sa Road 10 , Vitas.

Ang biktima ay residente ng Unit 315, Bldg. 26, Paradise Heights,Balut. Tondo.

Isinasailalim na sa interogasyon ang suspek na si Wilson Formoses, 46, driver ng garbage truck , may asawa, ng Bldg.12 , Temporary Housing , Vitas.

Base sa ulat na isinumite ni Det.John Teody Siguen kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 5:07 a.m. nang maganap ang naturang insidente sa loob ng garbage truck sa compound ng Leonel Waste Management sa Vitas.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni Det. Seguen, may hawak ng kaso, tinitesting ng biktima ang button ng truck na paglalagyan ng mga basura nang maganap ang traheday.

Ang ginawa ng biktima ay pinagpipindot umano nito ang mga button.

Bigla umanomg bumukas ang garbage truck at nagtuloy tuloy sa loob ang biktima at humampas ang mukha nito , na siya nitong ikinamatay.

Binubusisi ng pulisya kung may foul play sa insidente o sadyang aksidente lamang ang nangyari kay Pascual. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE