Turla COP REPORT–Si Police Capt. Dennis Turla habang sinisiyasat ang police report kaugnay sa pagpatay sa barker ng hindi pa nakikilalang suspek. Kuha ni Jon Jon Reyes

Barker grinipuhan sa dibdib, utas

April 8, 2024 Jonjon Reyes 44 views

BarkerPATAY ang 48-anyos na barker nang gripuhan sa dibdib sa Kalaw Avenue malapit sa Maria Orosa St. sa Ermita, Maynila noong Sabado.

Kinilala ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktima na si Raymund Malate alyas Kulet.

Nakatakas ang salarin na nakilalang si alyas Leo, nasa edad 45-50-anyos, mga 5’7 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maitim, kulot, naka asul na jacket na may hood at dilaw na short.

Bandang alas-10:00 ng umaga ng maganap ang insidente, ayon sa ilang saksi.

Sa pagsisiyasat ng MPD, nakita ang biktima at suspek na nagtatalo pero naawat naman ng ilang mga naroroon.

Kinabukasan, nakita na lamang ang biktima ng saksakin ng suspek. Nakatakbo pa palayo pero humandusay na ito sa semento.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima at alas-11:55 ng umaga ng bawian ng buhay.

AUTHOR PROFILE