Rabies Source: Department of Health file photo

Manila zero rabies sa ’24; zero astray animals sa ’27

April 8, 2024 Edd Reyes 78 views

TARGET ng Maynila na maging zero rabies ang lungsod bago matapos ang 2024 at zero astray animals o pagala-galang hayop pagdating ng 2027.

Ito ang inihayag ni Dr. Nicanor Santos, hepe ng Manila Veterinary Inspection Board, matapos ang flag ceremony sa Manila City Hall noong Lunes.

Ayon kay Santos, binuksan na ang satellite clinic sa Dapitan Sports Complex at susunod na ang San Andres Sports Complex sa tulong nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at 5th District Congressman Irwin Tieng.

Ini-anunsiyo rin ng opisyal ang nalalapit na delivery ng pet machine o pet incinerator na magsisilbing pet crematorium sa Vitas, Tondo.

Nagpasalamat si Mayor Lacuna-Pangan kay Cong. Tieng dahil sa mga nagawa ng mambabatas sa mga Manilenyo.

AUTHOR PROFILE