Bangkay Ang bangkay ng lalaki na hubo’t hubad ay natagpuan sa ibabaw ng pumping station sa Binondo, Maynila.

Bangkay ng lalaking hubad bumara sa pumping station

October 21, 2023 Jonjon Reyes 306 views

Bangkay1ISANG hindi pa nakikilalang lalaki na hubo’t hubad at wala ng buhay ang nadiskubreng nakabara sa isang pumping station, makaraang matagpuan ng mechanical plant supervisor Sabado ng gabi sa Muelle Dela Industria sa Binondo, Maynila.

Tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima, may taas na 5’5”, payat, maputi at walang saplot na damit.

Base sa ulat ni Police Major Pidencio Saballo ng Manila Police District (MPD)-Meisic Police Station 11, bandang 10:30 ng gabi nang madiskubre ni Paulo Jason Flores, 31, isang mechanical plant supervisor, ang bangkay ng biktima sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa nasabing lugar.

Walang kahit anong saplot sa katawan ang biktima at ayon sa imbestigasyon, walang senyales na sinaktan ang lalaki.

Gayunman, hinalang nalunod ito at dahil sa lakas ng daloy ng tubig ay napadpad ito sa pumping station habang hinihigop ang mga balumbon ng basura.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ni Saballo sa tanggapan ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, ang nasabing bangkay upang isailalim sa pagsisiyasat ng mga operatiba.

AUTHOR PROFILE