Bakit walang cancel culture si Leni Robredo sa mga teroristang NPA?

April 2, 2022 Marlon Purification 331 views

Marlon PurificationMGA kampon mismo ng dilawan ang nagpauso ng salitang tinatawag na ‘cancel culture.’

Ito iyong isang salita at gawa na palaging ginagawa ng kampon ng dilawan.

Ang unang pangka-cancel na ginawa ng kulto ni Leni Robredo ay nang talikuran ang kulay dilaw para lamang magpanggap umano na sila ay kulay pink.

Ngunit pagbali-baligtarin man natin si Robredo, kahit ang kutis, balat, laman-loob at ultimo ngipin at gilagid nito ay dilaw at hindi niya kayang itanggi iyan.

Umpisa pa lang ay marami na ang nagtaas ng kilay kung bakit halos pandirihan ni Robredo ang kulay dilaw gayung dito siya nag-umpisa at ito ang nagdala sa kanya para manalo (dahil sa daya?) bilang bise-presidente ng bansa.

Kung buhay lang ang lolo ko na isang retiradong pulis, tiyak maririnig ko siya sa pagsasabing: ‘ang tawag diyan, ingrato, walang utang na loob, taksil at higit sa lahat trapo!’

Cancel culture rin ang paraan ng mga tagasuporta nito para kalabanin ang mga tagasuporta ng nangungunang presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Marami nang biktima nito, partikular na ang mga negosyante, kilalang personalidad at kahit ordinaryong tao.

Kapag hindi ka dilaw o pink, ekis ka sa mga kulto ng dilawan!

Isa sa pinag-usapan na dumanas ng cancel culture ay ang magaling na tv host na si Toni Gonzaga.

Galit ang dilawan sa kanya dahil sa harapang pangangampanya para kay Marcos na kamag-anak ng asawa niyang si movie director Paul Soriano.

Kasalanan ba ni Toni kung ang tingin niya’y si Marcos ang karapat-dapat na maging pangulo ng Pilipinas kaysa kay Leni?

Kasalanan din ba niya kung naging kamag-anak ng Direc Paul ang asawa ni Marcos na si Atty. Liza Araneta-Marcos?

Dahil sa buti ng ugali, breeding at mala-Kristiyano kunong asal ng kampon ng dilawan, ipinangalandakan nila ang cancel culture.

I-boycot, wag tangkilikin at kung anu-ano pang masasakit na salita ang kanilang ginagawa kapag hindi umaayon sa kanilang pananaw na dilaw at lugaw!

Maraming panlalait ang ibinabato ng kampon ng dilawan.

Ang mga mahihirap na tagasuporta ni BBM ay pinipintasan nila at pinandidirihan.

Hindi raw katulad nilang mga dilawan na sosyal, matatalino kuno, maka-Diyos kunwari at maka-Kristiyano.

Pero dahil sa maling pag-uugaling ito ng kulto ni Robredo, lalo lamang siyang nilalayuan ng tao.

Pansinin n’yo ang caravan ni Leni. Nilalangaw ito at malayong hindi hamak sa motorcade ni Marcos na talagang dinudumog ng tao.

Si Leni, ultimo flakes ng balakubak at split ends ng buhok ay hindi magalaw ng tao kasi nga walang kakarampot ang sumasama sa kanyang caravan.

Ang rally ni Robredo, kung hindi bayad ang crowds, tinatambakan niya ito ng artista at mga musikero. Manghihikayat ng estudyante para sa isang concert, pero iyon pala ay gagawing political rally.

Pati mga may-ari ng iba’t ibang Catholic school ay nakikiisa sa kalokohan ng kampon ni Robredo. Pipilitin umanong dumalo ang kanilang estudyante at kapag hindi dumalo, ibabagsak sa klase.

Cancel culture uli ang tawag niya diyan.

Ang mind you, mga ate at kuya, karamihan sa mga dumalo sa kanilang concert rally ay mga minors o wala pa sa voting age – kahit itanong pa natin kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina na siya mismong nagkumpirma ng ganitong uri ng panggagamit sa mga menor de edad.

Matatalino, mabibilis at sadyang magagaling na ang milyun-milyong netizens na Pinoy.

Sila mismo ang umaatake at nambabara sa maling paraan ng pagiging cancel culture ng dilawan.

Sa dumi ng laro ng kampon ni Robredo, pati mga anak ni BBM ay ginagamit na nila sa fake news.

Kaya ang resulta tuloy ay dinudumog ang kampon ng dilawan ng atake, batikos at pangangaral na mali kailanman na idamay ang mga bata, anak at sinupaman lalo sa isang ‘fake news’ para lamang manira ng kapwa.

Ang tanong ngayon sa sobrang hilig sa cancel culture ng kampon ng dilawan, bakit wala tayong naririnig na CANCEL CULTURE NILA SA MGA TERORISTANG NPA?

Eh kasi, kumpirmado ang sinabi ng Pangulong Duterte at Senador Ping Lacson na may alyansa si Leni at mga teroristang komunista!