Default Thumbnail

Bakit sisibakin kung magaling?

May 31, 2022 Mario Fetalino Jr. 267 views

Mario FetalinoPAMBIHIRA talaga si President Rodrigo Duterte dahil lilisanin niya ang Malacanang with ‘flying colors’.

Isang buwan na lamang ang natitira sa termino ni Digong pero magpahanggang ngayon ay mataas pa rin ang kanyang trust at performance rating.

Nasabi kong with flying colors dahil matapos mapagtagumpayan ang hamon ng COVID-19 pandemic, nanatiling buhay ang ating ekonomiya at dahan-dahan itong sumisigla.

Napapakinabagnan rin natin ang mga infrastructure project na ipinatupad ng Pangulo para sa mas mabilis at maginhawang sistema ng transportasyon at malakas na komersiyo partikular sa Metro Manila.

Sa kabila ng mga dambuhalang pagsubok sa ating bayan, nanatili ring solido ang ating gobyerno. Tanda pa natin ang giyera sa Marawi. Kung hindi si DU30 ang pangulo natin nuon, baka nakahiwalay na ang naturang probinsya sa Pilipinas.

Hindi naman lahat ay sasang-ayon sa aking pananaw pero nakasisiguro ako na marami sa ating mahihirap na kababayan ay magpapasalamat kay Gongdi dahil sa mga program na nagbago sa kanilang mga buhay.

Thank you very much President Duterte. You served our country very well.

**

Malakas ang kutob ko na maraming pagbabago ang magaganap sa ating bayan pag-upo ni elected President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ubod kasi ng laki ang kanyang patutunayan at ito ang kanyang magiging gabay sa pagpapatakbo ng ating bayan.

Magsisilbing inspirasyon naman ni BBM ang 31 milyong Pilipino na nagluklok sa kanya sa kapangyarihan. Walang dahilan upang biguin niya ang pagtitiwala ng sambayanang Pilipino.

Bagkus, kailangan niyang alagaan at pagtibayin ang ‘trust and confidence’ na ipinagkaloob sa kanya ng ating mga kababayan.

Magagawa ito kung mapapanindigan niya ang adbokasiya ng pagkakaisa na kanyang sinimulan.

Sa tulong ng mga lider na kanyang pinili, dapat tiyakin ni Marcos na iisa ang direksyon ng kanyang pamahalaan at ito ay tungo sa pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino at kaunlaran ng ating bayan.

**

Kung magaling, bakit sisibakin?

Ito marahil ang nasa isip ni incoming Finance Secretary Benjamine Diokno nang kanyang ibunyag na karamihan sa mga opisyal ng Department of Finance ay mananatili sa kanilang pwesto.

Kadalasan, nasisibak ang mga opisyal sa gobyerno kapag nauupo ang mga lider ng bagong administrasyon.

Pero para kay Diokno, hindi ito kailangang mangyari lalu na kung siya at ang mga kasalukuyang Finance executives ay pareho ng direksiyon.

Sana lahat ng bagong miyembro ng Gabinete ay katulad ni Diokno mag-isip. Makakabuti sa ating gobyerno kung ang mga magpapatakbo nito ay kwalipikado at hindi naipwesto dahil sa ‘palakasan’.

**

For comments, please call or text 09569012811 or email [email protected]

AUTHOR PROFILE