LTO Sina Kyle Tan ng Centris/Eton, LTO-Executive Director Giovanni Z. Lopez (ikaapat mula kaliwa) at Quezon City Vice Mayor Gian Sotto (pangatlo mula sa kanan). Kasama sa larawan sina LTO-NCR East RD Benjamin Santiago III, at LTO-NCR Eeast QCDO Chief Engineer Melecio M. Moreno, Dra. Alma Radovan-Onia at asawa nito. Kuha ni JUN I. LEGASPI

Bagong LTO district office binuksan sa Eton Centris

April 20, 2023 Jun I. Legaspi 6613 views

BINUKSAN nitong Huwebes, Abril 20, 2023, ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong Quezon City District Office (QCDO) na matatagpuan sa 2nd floor ng Eton Centris Mall sa Quezon Avenue.

Pinangunahan ito nina LTO Executive Director Giovanni Lopez, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, LTO NCR East Regional Director (RD) Benjamin Santiago III at hepe ng district office na si Engineer Melecio Mendoza Moreno at Dra. Alma Radovan-Onia ang pormal na pagbubukas ng bagong opisina.

Pinasalamanat ni Lopez ang lahat mga taong nasa likod at nagtulong-tulong kung kaya’t mabilis na nabuksan ang nasabing tanggapan at pinasalamatan din nito ang si Dra. Alma Radovan Onia.

Ang nasabing district office ay handang magproseso ng iba’t-ibang transaksyon tulad ng renewal ng lisensya at rehistro ng sasakyan, at aplikasyon ng student permit.

Ang LTO-NCR East QCDO ay unang opisina ng ahensiya na nagproproseso ng renewal ng mga sasakyan.

Tiniyak ng liderato ng LTO-NCR East na mabilis, maayos, at kumbinyente ang pagproproseso ng mga transaksyon sa nasabing opisina higit sa lahat walang “fixers” at mga manloloko na nagkalat sa paligid ng ahensiya.

Ayon pa kay Santiago, magpapatuloy ang mga ganitong partnership upang higit pang mailapit ang serbisyo ng ahensiya sa taong bayan at laging mabigyan ng magandang serbisyo ang publiko.

AUTHOR PROFILE