Amila

Baby Bean ipinakita na, sumususo kay Angelica

October 22, 2022 Aster Amoyo 444 views

ENGAGED couple Angelica Panganiban and Gregg Homan waited for their daughter, Amila Sabine or Baby Bean to turn one month old before they shared to the public her cute baby picture last October 20.

Si Baby Bean ay isinilang last September 20, 2022.

Magiging mas meaningful ang 36th birthday ng Kapamilya actress on Novemver 4 dahil sa pagdating sa kanyang buhay hindi lamang ng kanyang fiancé na si Gregg kundi ng kanilang unang baby na si Baby Bean.

Angelica is breastfeeding Baby Bean from the day she was born and enjoying her role as a first time mom.

Parehong hands-on parents sina Angelica at Gregg kay Baby Bean that they refuse to have a nanny.

Dahil maliit pa si Baby Bean, wala sa immediate plans ni Angelica ang bumalik kaagad sa kanyang trabaho bilang actress.

Mamasapano

Atty. Topacio masayang mapasali sa MMFF 2022

MASAYA ang baguhang film producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio dahil pumasok sa Magic 8 ng 2022 Metro Manila Film Festival ang film debut ng kumpanya, ang pelikulang “Mamasapano( Now It Can Be Told),” isang true-to-life story na sinulat ng Palanca winner na si Eric Ramos at pinamahalaan nina Lawrence Fajardo at Lester Dimaranan.

Hindi ikinakaila ng lawyer movie producer na si Atty. Topacio na sobrang maraming challenges ang pinagdaanan bago nabuo ang pelikula pero ang mahalaga sa ngayon ay tapos na tapos na ang pelikula na mapapanood ng mas maraming tao sa mga sinehan dahil isa ito sa mga kalahok sa nalalapit ng Metro Manila Film Festival.

Ang pitong iba pang pelikula na pumasok sa Magic 8 ay ang “Deleter” ng Viva Films, “Family Matters” ng Cineko Productions, Inc., “My Father, Myself” ng 3:16 Media Network, “Labyu with An Accent” ng ABS-CBN Film Productions, “Nananahimik ang Gabi” ng Rein Entertainment Productions, “Partners in Crime” ng ABS-CBN Film Productions and Viva Films at ang “The Teacher” ng Ten17P.

Since ito ang kauna-unahang MMFF post pandemic, inaasahan ng mga film producers at mga taong nasa likod ng MMFF na maibabalik na rin ang dating sigla ng pagdagsa ng mga manonood sa mga sinehan sa kabila ng proliferation and presence ng mga online or digital platforms tulad ng Netflix, Vivamax, iFlix, Viu, Cignal TV at marami pang iba.

Cesar

Cesar napagsasama-sama na ang mga mahal sa buhay

SA 18th birthday ng bunsong anak ng dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Sam ay muling nagkita at nagkasama sa isang okasyon ang dating mag-asawa gayundin sa kaarawan ng kanilang panganay na si Angelia.

Tulad ng aktres na si Teresa Loyzaga, kaibigan na rin ang turing ni Sunshine sa present partner ni Cesar na si Kat Angeles na noon ay tila imposibleng mangyari.

At one point, nagkaroon din ng problema ang mag-amang Cesar at Diego Loyzaga but this is now water under the bridge.

Although wala pang plano si Cesar sa darating na Pasko, umaasa siya na muling mabubuo ang kanyang siyam na anak.

Samantala, the actor made his movie comeback sa pamamagitan ng hit movie na “Maid In Malacanang” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap under Viva Films.

Naghihintay na lamang siya ng timing sa paglabas ng kanyang bagong movie, ang “Blood Brothers” which he co-wrote, directed and co-produced.

Cesar vows to be more active sa kanyang showbiz and acting career ngayon.

Kathniel

KathNiel pelikula naman pagkatapos ng ‘TGTBT’

TATLONG linggo na lamang ang nalalabi bago magtapos sa ere ang hit Kapamilya primetime drama-romantic-comedy series na “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa pamamahala ni Mae Cruz-Alviar.

Ang nasabing serye na tinatampukan din nina Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Irma Adlawan at maraming iba pa ay naging bahagi ng mga televiewers sa loob ng anim na buwan.

Ngayong magtatapos na ang “2 Good 2 Be True” series ng KathNiel, inaasahang pelikula naman ang kanilang susunod na haharapin.

Huli silang napanood sa pelikulang “The Hows of Us ” in 2018 na dinirek ni Cathy Garcia-Molina which broke existing box office records at that time bago ang 2019 megahit movie ni Kathryn with Alden Richards in 2019, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek din ni Direk Cathy.

Ang relasyon nina Kathryn at Daniel ay 11 years na, enough for them to settle down. Pero hindi nagmamadali ang dalawa dahil marami pa silang mga pangarap na gustong matupad individually.

Pangilinan

Catriona hosts launch of new health app

METRO Pacific Investments Corporation (MPIC) led by its president, chairman at CEO na si Manny V. Pangilinan popularly known as MVP, has recently unveiled another groundbreaking first in digital healthcare na kauna-unahan sa Pilipinas, ang integrated health app na mWell na puwedeng ma-avail hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ating mga migrant workers at OFWs sa ibang bansa at an affordable price na may kasamang libreng accident insurance package.

Dahil malalayo ang iba’t ibang hospitals sa Pilipinas na kailangan pang sadyain for consultation maging ang pagbili ng mga gamot, magiging madali na ito sa pamamagitan ng mWell via tele-consulting at tele-medicine.

Kahit ang ating mga kababayan sa ibang bansa ay puwedeng magpa- konsulta at maresetahan ng gamot via mWell with available doctors 24/7. Ang payments ay puwedeng idaan sa iba’t ibang payment partners ng mWell tulad ng Pay Maya at Bayad center (for physical payment).

Ang mWell na isang health technology platform offers telemedicine, healh and wellness programs, e-commerce at iba pa. Ito’ y integrated, tech-based healthcare digital ecosystem na dinibelop ng Metro Pacific Health Tech Corporation. The grand launch was hosted by 2018 Miss Universe Catriona Gray.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE