Amila

Netizens at celebrities, cute na cute sa baby nina Angelica at Gregg

October 21, 2022 Vinia Vivar 334 views

Kamukha ni Angelica Panganiban ang first baby nila ni Gregg Homan na si Amila Sabine.

Yes, finally ay nagpa-baby face reveal na nga ang aktres at ipinakita na sa publiko ang kanilang anak.

“Hello world! It’s been a month. mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am,” ang caption ni Angelica sa tatlong larawan ni Baby Amila na kanyang ibinahagi sa social media.

Inulan naman agad ng pagbati at papuri ang nasabing post mula sa netizens, friends and kapwa-celebrities ni Angelica.

“Grabe!! Sobrang cute,” ang reaksyon ni Bea Alonzo.

“Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sakin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaaay eyes!!!!!!” komento naman ni Jolina Magdangal.

Nagsipag-comment din sina Bela Padilla, Maja Salvador, Anne Curtis, Lotlot de Leon, Pokwang at marami pang iba.

Si Marian Rivera naman ay nag-react ng “smiling face with heart eyes emoji.’

Iisa nga ang sinasabi nilang lahat — napaka-cute ni Baby Amila. Na hindi naman nakapagtataka dahil good-looking din naman ang kanyang parents.

SOCMED STAR AT BRAZILIAN ACTRESS, AALALAY KAY AGA

Nagsimula na last Sunday, Oct. 16, ang mas pinabongga at pinagandang season ng Tara Game, Agad Agad ng Net25 kung saan ay nagbabalik bilang game master si Aga Muhlach.

Sa isang video ay sinabi nga ni Aga na talagang napamahal na sa kanya ang show na ito at excited na siya sa Season 3.

“I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung Tara Game, Agad Agad. It’s been my favorite since we started the show,” sabi ni Aga.

Maglalaban-laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang makarating sa final round.

Mag-uunahan sila na magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong.

Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may pagkakataon silang sagutin ito o ipasa sa kalaban.

At ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.

Dagdag pa ni Aga, “We’re also excited, kasi mas malaki ‘yung pa-premyo namin. So ‘yung P20,000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa seasons 3 and 4.”

Hindi nagtatapos ang sorpresa para sa show. Dalawang co-host ang makakasama ni Aga — ang Filipino-Japanese social media star na si Yukii Takahashi at ang Brazilian actress and host na si Daiana Menezes.

Sila ang magbibigay-saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA Level Up games.

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma ‘yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko.”

Excited din siya na maging parte ng show lalo na at makakasama niya sina Aga at Yukii.

Nagpapasalamat naman si Yukii para sa oportunidad na ibinigay sa kanya at dream come true nga raw for her na maging part of the show.

Napapanood ang TGAA Level Up tuwing Linggo, 7 p.m., sa Net25.

AUTHOR PROFILE