Kean

Kean: Bash all you want, I don’t care

October 22, 2022 Jun Nardo 286 views

SOLID musical experience ang nais iparating ng singer na si Kean Cipriano sa concert na Pulso kasama ang artists under OC Records na sina Unique at Addie.

“Baliw” ang biro ni Kean kina Unique at Addie hindi literally kundi sa husay sa pagiging artist. “Iba sila magsulat. ‘Yung songwriting style. Ang ganda ng kanta nila. Nababaliw ako ‘pag naririnig ko ang kanta nila,” sabi ni Kean.

Pinagsama silang tatlo ng Viva Live sa concert na mapapanood sa New Frontier Theater sa November 29.

Dating lead singer ng bandang Callalily si Kean pero wala na siya sa grupo at may iba na silang soloist.

Pero kakantahin pa rin niya ang song ng grupo sa concert.

May naglalabasan ding issues na ibinabato sa kanya sa social media. Ano ang masasabi ni Kean dito?

“Higher! Again, I am proud and happy na may nabuo akong entity as strong as that.

“Nagkaroon ng marka sa milyong tao.

“At the end of the day, ang tao, naghahanap ng growth. Basta sa akin, don’t put all your problems sa social media. Hindi ako ang taong magta-try mag-tarnish ng reputation.

“Bash all you want. I don’t care. Ayokong makita ito ng mga anak ko na all hate sa social media,” pahayag ni Kean.

Ang asawang si Chynna Ortaleza for OC Records ang driving force nito sa kumpanya pati sa bahay.

FRESH EPISODE

FRESH episode ang handog ng GMA’s Magpakailanman ngayong Sabado.

Pagbibidahan ni Ashley Ortega ang episode na My Race to Happiness: The Silamie Apolistar-Gutang Story.

Kuwento ito ng isang atletang Pinoy na dumanas ng maraming trauma bago nagtagumpay at nagkaroon ng Guinness World Record sa field ng obstacle course racing noong 2021.

AUTHOR PROFILE