Posas

Babaeng HIV, lalaking kasabwat tiklo sa shabu

August 2, 2023 Steve A. Gosuico 178 views

CABANATUAN CITY — Arestado ang isang babae na tinaguriang high-value individual (HVI)-listed drug personality at ang kanyang umano’y kasabwat na lalaki sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng P346,000 dito noong Lunes.

Sinabi ni Nueva Ecija police head Col. Richard V. Caballero na ang naarestong babaeng HVI suspect, 40, walang trabaho, residente ng Purok 3, Bgy. Umangan, Aliaga, Nueva Ecija ay nahuli kasama ang isang 32-anyos na lalaking walang trabaho sa Bgy. Barrera dakong ala-una medya ng madaling-araw.

Sa kanyang ulat, sinabi ni city police head Lt. Col. Warly C. Bitog na na-timbog ang dalawa matapos magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang police poseur-buyer.

Sa pagkakaaresto, nasamsam sa kanila ang 12 piraso pang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 51 gramo.

Tinatayang nasa P346,000 ang kabuuang halaga ng nasabat na shabu, ani Bitog.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 para sa inquest-filing laban sa dalawang suspek sa tanggapan ng piskal ng lungsod dito.

AUTHOR PROFILE