Pala File photo

ATM booth nilimas; suspects dumaan sa canal, naghukay

February 21, 2024 Bernard Galang 143 views

ISANG ATM machine booth ng Development Bank of the Philippines sa Tarlac noong Martes ang nilooban ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., sinabi ng Tarlac police na si Evengeline Querijero, 58, kinatawan ng Development Bank of the Philippines-Tarlac branch at residente ng Bgy. San Vicente, Tarlac City, ang nagsampa ng reklamo ukol sa insidente.

Sa inisyal na pagsisiyasat, inireport ng empleyado ng DBM na si Jordan Caranto sa pulisya ng Gerona na ang ATM booth ng bangko na nasa loob ng tanggapan ng DPWH 1st Engineering District sa Bgy. Parsolingan, Gerona, ay nakuhanan ng pera.

Napag-alaman ng pulisya na nakapasok ang mga suspek sa booth sa pamamagitan ng paggamit ng drainage canal malapit sa DPWH at hinukay ang kanilang daan sa itaas patungo sa loob ng ATM booth at nang makapasok, sinira ng mga suspek ang bisagra ng booth at tinangay ang hindi pa matukoy na halaga ng pera.

Sinusuri na ngayon ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek at ang kanilang getaway vehicle.

AUTHOR PROFILE