Matadero File photo ng katayan ng karne

Binata kinatay ng 3 matadero

February 21, 2024 Jojo C. Magsombol 133 views

TIGOK ang isang lalake matapos pagtatagain umano ng tatlong kapwa magkakatay ng karne o matadero noong Lunes sa Batangas City.

Bangkay na nang matagpuan ang biktima sa loob ng comfort room sa Lupan Building, J.P. St. Brgy. 4.

Ayon sa Lipa City police ang biktima ay nakilalang tubong Guiniyangan, Quezon at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 4, Lungsod ng Lipa.

Ayon sa mga pulis, ang mga suspek ay nakilala lang bilang sina alyas Mones, alyas Joraise at alyas Jonaid, at pawang mga residente at stay-in sa Lupan Building.

Alas-7:20 a.m. ng February 19, 2024, isang tawag sa telepono ang natanggap ni PSSg Regan Gardiola, duty TOC operator ng Lipa City Police Station mula sa isang residente at inereport ang nasabing bangkay.

Agarang nagresponde ang mga kapulisan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na isang 30-anyos na cashier at residente ng Brgy. Balintawak, Lipa City ang nagtungo sa Lupan Building upang buksan ang kanilang tindahan at madiskubre ang biktima na nakabulagta sa loob ng comfort room sa ikalawang palapag ng nasabing gusali.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nakipag-inuman sa mga suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nagresulta sa patayan.

Ang mga elemento ng nasabing istasyon ay patuloy ang hot pursuit/follow-operation para sa posibleng pagdakip sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE