Vilma

Ate Vi, umamin sa pagiging unprofessional

March 19, 2022 Vinia Vivar 244 views

During her younger years, may panahon din palang naging unprofessional ang Star for All Seasons na si Rep. Vilma Santos. Ito ang kanyang rebelasyon sa first episode ng Surprise Guest with Pia Archangel podcast.

“Yes, oo, naging unprofessional din ako. There was a time in my career, ’yung part ng career ko o ng buhay ko na nagtatrabaho pa rin na unprofessional din ako,” pag-amin ni Ate Vi.

“Yes, oh my God! Naka-set-up na pero hindi ako uma-attend sa shooting. Darating na lang doon ’yung sasakyan ko at sasabihin wala po si Ate Vi kasi masakit ang tiyan, mayroon po siyang period,” patuloy ng award-winning actress na ngayon ay politiko na.

Ang favorite excuse raw talaga niya ang pagkakaroon ng period at alam niyang pinag-uusapan siya ng kanyang colleagues.

“’Yun ang laging dahilan kaya sabihin, hindi na matapos ’yang period na ’yan. Kapag hindi ako dumarating sa set, lagi na lang may period ’yan. Hindi ba natatapos ’yang period na ’yan?” kwento ni Ate Vi.

Pero ang panahong iyon sa kanyang buhay ay nagturo raw sa kanya ng mahahalagang lessons at ito ay matutong humingi ng pasensiya at maging professional.

“Doon mo lang na-realize na hindi lang ikaw nagsu-suffer diyan. Paano ’yung mga crew na sumusuweldo?

“Kapag hindi ka nag-shooting, hindi na babayayan ‘yan, ’yung time nila, ’yung mga artista. So, natututunan mo habang nagma-mature ka, doon mo naa-appreciate na, oh my God. No man is an island. Hindi pwedeng ikaw lang,” pahayag ni Ate Vi.

ANAK ANG TURING OFF-CAM

Parang tunay na anak na rin pala sa tunay na buhay ang turing ni Sandy Andolong kay Analyn Barro na katrabaho niya sa First Lady.

Sa nasabing teleserye ay gumaganap na mag-ina ang mga karakter nina Sandy at Analyn na sina Nanay Edna at Gemrose. Kahit nga sa off-cam ay mag-ina na rin ang turingan nila.

Isa nga ang kanilang co-star na si Shyr Valdez sa mga nakakasaksi kung paano alagaan ni Sandy si Analyn. Ipinost pa niya ang video kung saan makikitang tinatalian ng veteran actress ang buhok ng batang aktres.

“I love the way they take care of each other. Believe me when I tell you they are mother and daughter behind the camera.

“To work with Nanay Sandy gives us the pleasure to be cared for this way just the same. Love you Nay,” ani Shyr.

Nagpasalamat naman si Analyn sa pagmamahal na ibinibigay ni Sandy sa kanya. Aniya, “I love you Nay. On and off set.”

AUTHOR PROFILE