Teysi hindi nagsisisi sa desisyon

March 21, 2022 Aster Amoyo 1168 views

Tessie2IT was in 2018 when former advertising executive and radio talent turned-actress, host and stand-up comedienne Tessie Tomas decided to leave her flourishing showbiz career behind to relocate permanently in the Isle of Man (IOM), a 32-mile diamond shaped island between Dublin in Ireland and Liverpool (hometown of the Beatles) with her (second) British ( husband of 30 years, retired marine biologist Roger Pullin. Ang nasabing lugar (which is like a paradise) ang napiling lugar ng mister ni Tessie to retire on.

Hindi ikinakaila ni Tessie na hindi naging madali ang kanyang naging desisyon pero wala siyang pinagsisisihan dahil ganoon niya kamahal ang kanyang mister na naging very supportive din sa kanya when she was still active in her showbiz career in the Philippines.

“I’m not totally retired from showbiz,” aniya.

“I’m still open to offers (in the Philippines) if there are at kung magaganda ang projects,” she adds.

Since the start of the pandemic ay nabago na totally ang shootings and tapings set-up kaya mas madaling natatapos ang trabaho on a shorter period of time kumpara noon na mas gusto ni Tessie dahil makakabalik siya kaagad sa kanilang homebase in IOM.

Isle of Man has only 80,000 population and with about 1,500 Filipinos at marami sa mga ito ay mga kaibigan na rin ng writer, actress-comedienne.

Bukod sa role niya bilang wife, Tessie keeps herself busy on reading books, doing her vlogs and other social media activities, writing her book and seeing her friends in the island.

Dahil sa ganda ng Isle of Man, ang pakiramdam ni Tessie ay nasa Boracay umano siya araw-araw.

Tessie was 22 years old nang siya’y mag-asawa kay Bert Tomas in 1972 at sila’y nabiyayaan ng isang anak na si Robin, isang fashion designer based in New York City, USA. But the union lasted only for seven years at sila’y nagkahiwalay nung 1979. After the couple’s separation, she dated other men, mostly diplomats but it was the British marine biologist (who was then based in the Philippines) Roger Pullin that she fell in love with until they got married on April 5, 1994. Their wedding was beamed on TV via the actress-host’s top-rating and long-running daily morning show on ABS-CBN, “Teysi ng Tahanan”.

Kung si Tessie ay merong isang anak sa kanyang ex-husband, dalawa naman ang anak na babae ni Roger sa kanyang British ex-wife na parehong close sa kanya.

Being the daughter of the late radio talent-directress and actress Laura Hermosa, hindi kataka-takang siya’y magmana sa talent ng kanyang ina. She was 10 years old nang siya’y maging radio talent and there were even times na ang boses lalake ay kanyang ginagawa.

Si Tessie ay nagtapos ng Mass Communication sa University of the Philippines. After graduating from college ay naging copy writer siya ng iba’t ibang kilalang advertising angencies na ang pinakahuli ay bilang Creative Director ng McCann-Erickson. She was still in the advertising agency when she met veteran actor Noel Trinidad and actor-comedian-host and director Jun Urbano na siyang instrument ng kanyang pagkakapasok sa telebisyon sa pamamagitan ng “Champoy,” a comedy gag show on RPN-9 which started airing in 1980 until 1985. Bukod kina Noel, Tessie and the late Subas Herrero, naging bahagi rin ng “Champoy” sina Cherie Gil. Mitch Valdez, and the late Gary Lising.

Nung 1991, dalawang TV program ni Tessie ang nagsimula, ang daily morning show na “Teysi ng Tahanan” which lasted until 1997 habang ang political comedy show na “Abangan ang Susunod na Kabanata” ay tumagal naman sa ere ng walong taon until 1999. Dito ay muli niyang nakasama si Noel Trinidad plus new set of cast tulad nina Anjo Yllana, Roderick Paulate, Nova Vill\, Sammy Lagmay at Jolina Magdangal. In between the two TV shows ay naisisingit din ni Tessie ang kanyang stand-up comedy acts tulad ng Amanda Pineda, Boni Buendia, Miriam Detektor, Cory & Kris Anino, Meldita, Gloria Makatagal Arayko at iba pa. Kasunod na rito ang paggawa ni Tessie ng iba’t ibang TV series at pelikula.

During her “Champoy” days ay naging in-demand din si Tessie sa iba’t ibang pelikula na kanyang sinimulan in 1981 sa pamamagitan ng “Kapitan Kidlat” na sinundan ng marami pang pelikula. Ang last movie na kanyang ginawa ay ang mystery drama film na “Smaller and Smaller Circles” na dinirek ni Raya Martin habang ang hit primetime TV series na “The Blood Sisters”in 2018 na pinagbidahan ni Erich Gonzales in a triple role sa TV.

In our recent interview with Tessie for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin ng actress, host at stand-up comedienne at writer na sobra umano niyang nami-miss ang showbiz. Payag naman umano ang kanyang husband na si Roger na siya’y magpabalik-balik ng Isle of Man at Pilipinas at manatili rito ng apat hanggang limang buwan kung gagawa siya ng serye which would require her for a longer stay. Naiintindihan din kasi ng kanyang husband kung gaano niya ka-miss ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Nung isang taon ay umuwi si Tessie sa gitna ng pandemic dahil magkasunod na pumanaw ang kanyang inang si Laura Hermosa at nakababatang kapatid more than three months apart.

Nakatakdang bumalik ng IOM si Tessie ngayong April 10.

“If there’s a good project for me, babalik ako,” pangako niya.

BubuyBuboy malungkot ang birthday

TIYAK na magiging malungkot ang pagsi-celebrate ni Buboy Villar ng kanyang 23rd birthday sa araw na ito ng Lunes, March 21 dahil wala sa kanyang piling ang kanyang dalawang anak sa kanyang American ex-girlfriend na si Angilyn Serrano Gorens na sina Vlanz Karolyn (4) at George Michael (3) na nasa Amerika ngayon kapiling ng kanilang ina.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Buboy at Angilyn, nanatiling magkaibigan ang dalawa and co-parenting their kids. Since may work sa Amerika si Angilyn, wala itong panahon na bumalik ng Pilipinas para dalawin ang mga bata kaya nag-request siya kay Buboy na ipadala ang mga bata sa Amerika dahil kailangan din sila roon para i-proseso ang American citizenship ng mga ito.

Kung si Angilyn ay nagwu-work sa America for her kids, ang mga bata rin ang dahilan kaya nagsisipag si Buboy para mabigyan ang mga ito ng magandang future.

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina Buboy at Angilyn, bukas pa rin umano ang kanilang komunikasyon.

DonBelle tuluy-tuloy ang pagsikat

THE iWant TFC original series na “He’s Into Her” last year created a sensational loveteam out of Belle Mariano and Donny Pangilinan na sinundan ng kanilang hit digital movie na “Love is Color Blind”.

Dahil sa malaking tagumpay ng unang serye at pelikula ng DonBelle loveteam, nagpasya ang pamunuan ng ABS-CBN at Star Cinema na gawan ng sequel ang kanilang first hit TV series bagay na sobrang ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Sa unang palabas pa lamang ng teaser ng part 2 ng “He’s Into Her” ay binaha na naman ang Twitter kaya ito’y muling nag-trend.

Mukhang mananatili pa rin sa taong ito ang lalong pag-init ng kanilang tambalan na sinusundan ng bagong tambalan nina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Personal

TWENTY-eight-year-old Ma. Rochelle `Roxyn’ Anna Frances G. Ignacio who passed on last March 13 due to her lingering breast cancer was finally laid to rest yesterday afternoon, Sunday, March 20 at Heaven’s Gate 2 in Boso Boso, Antipolo, Rizal after the 11 a.m. mass at the Holy Trinity Parish Church in Village East Executive Homes, Cainta, Rizal.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE