Vilma

Ate Vi may tagapagmana na

October 8, 2023 Aster Amoyo 243 views

LuisLuis1Luis2HANDS-on parents ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang almost ten-month-old daughter na si Isabella Rose who’s turning one-year old on December 29.

Baby Peanut as what the celebrity couple call their daughter is a spitting image of Luis’ celebrity mom, Star for All Seasons and former politician Vilma Santos-Recto.

Since parehong celebrity vloggers ang mag-asawang Luis at Jessy maging ang ina ni Luis na si Vi, updated ang netizens sa kaganapan ng mag-asawa laluna sa anak nilang ni Baby Peanut.

The TV host-actor waited to turn 40 bago nag-asawa. Ngayong isa na siyang family man, he is so focused hindi lamang sa kanyang career bilang TV host, pagiging in-demand celebrity endorser at isang successful businessman, kundi bilang isang responsible husband to Jessy and father to Baby Peanut.

Samantala, ngayong nariyan na si Baby Peanut ay kakaibang joy naman ang naibibigay nito hindi lamang sa kanyang parents kundi laluna sa kanyang grandma Vilma na matagal na pinangarap na magkaroon ng apo sa kanyang panganay na si Luis.

“Lahat ng hindi maibibigay sa `yo ng parents mo, ibibigay ko sa `yo,” birong pahayag ng actress-politician sa aming panayam sa kanya.

Natawa si Vi nang sabihin namin sa kanya na may tagapagmana na sa kanyang mga alahas, ang kanyang unica apo na si Baby Peanut.

Apat na pelikula pa sa MMFF 2023 inaabangan na

SA October 16 nakatakdang ihayag ng Metro Manila Film Festival Committee ang remaining four movies na mapapasama sa Magic 8 at magiging official entries sa upcoming 2023 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25.

It was last July 10, 2023 nang ihayag ang 1st four top entries sa 2023 MMFF at ang mga ito ay ang family drama movie na “A Family of Two: A Mother & Son tory” starring Sharon Cuneta and Alden Richards na dinirek ni Nuel Naval under Cineko Productions and APT Entertainment. Sumusunod dito ang”K (ampon)” na tinatampukan nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay and jointly produced ng Quantum Films, Brightlight Productions at OctoArts Films na pinamahalaan ni King Palisoc. Isa itong horror-thriller movie. Ang pangatlo ay ang action-fantasy-adventure movie na “Penduko” na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes na pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana under Sari-Sari Network Films, Viva Films at Studio Viva habang ang pang-apat ay ang”Rewind,” ang balik-tambalan sa big screen ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar and joint production ng Star Cinema at AgostoDos Films Studio. Romance-drama ang tema ng pelikula.

The remaining four official entries will be announced October 16 mula sa 12 probable entries at kasama na rito ang “When I Met You in Tokyo” na balik-tambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang “Pieta” nina Nora Aunor at Alfred Vargas kasama sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco at Ina Raymundo na dinirek ni Adolf Alix, Jr.. Nariyan din ang isa pang family drama movie na “In His Mother’s Eyes” na siyang movie directorial debut ni F.M. Reyes under 7K Entertainment at kung saan naman tampok sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos.

Horror-thriller naman ang tema ng popular franchise na “Shake, Rattle & Roll EXTREME” ng Regal Entertainment maging ang “Nocturno” ni Mikhail Red na pinagbibidahan ni Nadine Lustre ng Viva Films and Evolve Studios at iba pa. May dalawa ring entries si Direk Joel Lamangan at ang isa rito ay ang “Lola Magdalena”. Nandiyan din ang “GomBurZa” kung saan ang mga tampok ay sina Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee at Piolo Pascual na jontly produced ng Jesuit Communication and Saranggola Productions. Nagbabakasakali rin ang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” starring Claudine Barretto and produced ng Queenstar Film Production, ang “Hiwaga” ni Vince Tanada at iba pa.

Sa pagkakaalam namin, there were about 30 finished films submitted for the 2023 MMFF pero walo lamang ang mapapasama sa Magic 8 bilang official entries.

This year ay walang entry sina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin.

Sakaling maihayag na ang apat pang official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival, umaasa ang nasa likod ng MMFF na sana’y tuluyan na ring bumalik ang sigla ng taunang Christmas film festival tulad nung pre-pandemic years.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE