Default Thumbnail

Ate natakot sa bomba, nagpasaklolo

July 4, 2023 Steve A. Gosuico 167 views

STO. DOMINGO, Nueva Ecija–Isang ginang sa bayang ito ang nagpasaklolo sa kapulisan matapos niyang matagpuan na may vintage bomb sa ginagawang swimming pool sa kanilang bakuran noong Lunes.

Sinabi ni Major Sandy C. Bautista, police chief ng bayang ito, na nakatanggap siya ng tawag mula kay Maria Teodora Dela Cruz, ng Bgy. Pulong Buli, na may nahukay na isang vintage bomb ang mga construction workers sa swimming na ginagawa sa kanilang bakuran dakong 11:20 a.m. noong Lunes

Sinabi ni Bautista na agad siyang nagpadala ng police bomb disposal team mula sa Nueva Ecija provincial canine and explosives unit upang siguruhin ang lugar at dispatsahin ang nasabing bomba.

AUTHOR PROFILE