Anne Larawan mula sa IG/@annecurtissmith

Anne Curtis unang Pinay celeb na humakot ng 20M followers sa IG

December 4, 2023 People's Tonight 205 views

NANATILI bilang most followed Instagram account sa Pilipinas ang account ng TV host-actress na si Anne Curtis dahil pumalo na sa 20 million ang kanyang followers.

Sa isang IG post nitong Linggo, Disyembre 3, inanunsyo ng ‘It’s Showtime’ host na umabot na sa 20 million followers ang kanyang account sa nasabing social media platform.

“20 million of you here my dearest IG fam! What a way to end this LA tour. Big kisses to all of you!!” sey ni Anne.

Si Anne rin ang nag-iisang Filipina celebrity sa ngayon na may higit 15 million followers sa top three social media platform. Kabilang sa mga ito ang IG, Facebook kung saan mayroon siyang 18M followers, at sa X (dating Twitter) na mayroon naman siyang 15M followers.

Nagbigay reaksyon naman ang ilang netizens sa na-achieve ni Anne sa social media.

“Really admire the way you protected your brand. There are a few bumps here and there but your star is still shining to this day. Great work!”

“ANNE CURTIS YOU WILL ALWAYS BE FAMOUS.”

“THE PH SOCIAL MEDIA QUEEN.”

“Takbo ka senator next election mananalo ka.”

Kamakailan ay inanunsyo rin ng TV host-actress ang balitang bubuuin na ang kanyang wax figure at mapapabilang sa atraksyong maaaring makita sa Madame Tussauds Hong Kong.

“I cannot believe this is happening. So thrilled to share that I will be joining @madametussaudshongkong,” pahayag ni Anne.

Ang Madame Tussauds Wax Museum sa Hong Kong ay isang indoor attraction kung saan maaaring makita ng malapitan ang mga realistic-looking wax figures ng mga kilalang singers, actors, at famous icons mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Maaaring mabisita ang nasabing museo sa Peak Tower sa Hong Kong Island.

Bukod kay Anne, ilan pa sa mga Filipino na mayroon nang wax figures sa Madame Tussauds Hong Kong ay ang mga Miss Universe beauty queens na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

AUTHOR PROFILE