John Larawan: John Arcilla/FB

John Arcilla, pinag-pray ang healing ng KathNiel, fans

December 4, 2023 People's Tonight 151 views

NAGBIGAY ng mensahe si kilalang aktor na si John Arcilla sa mga tagahanga ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa isang Facebook post, ipinaabot ni Arcilla ang kanyang panalangin para sa kasiyahan ng dating magkasintahang ito. Sinabi niya na kahit siya ay naapektuhan sa naging paghihiwalay ng dalawa, partikular na dahil kasama rin nila sa industriya.

“Lets pray na lang for the happiness of the two. Normal atang maapektohan tayo lalo na’t kasama natin sa trabaho. PERO BAKIT NGA BA TAYO APEKTADONG LAHAT? Siguro dahil lahat ay gusto ng FOREVER,” bahagi ng pahayag ni Arcilla.

Nagpahayag rin siya ng pangamba hinggil sa pagtitiwala ng mga tao sa kanilang sariling sitwasyon dahil sa pagtatapos ng relasyon ng dalawa. Kasama rin dito ang kanyang paghanga sa dalawang artista at ang naging epekto nito sa kanilang milyun-milyong tagahanga.

Isinama rin ng aktor ang kwento ng isang contestant sa kanyang game show na fan umano ng KathNiel.

Nakakaalarma umano para sa kanya ang naging epekto ng balitang ito hindi lamang sa dalawa kundi sa kanilang mga tagahanga rin.

Ipinahayag niya ang panghihinayang para sa anak ng isang kaibigan na labis na naapektuhan sa pangyayari.

Bagama’t malungkot ang pangyayaring ito sa pagitan nina Kathryn at Daniel, binigyang-diin ni Arcilla na “malay natin may ‘its sweeter the second time around’ or kung masyado pang maaga ang wish na ito or imposible man, let us pray for our own relationships or for the other’s.”

AUTHOR PROFILE