Kim

Angeline sa pag-aasawa: Para may kasama ako sa pagbabayad ng bills

August 26, 2021 Vinia Vivar 405 views

Dahil nga siguro sa pandemya ngayon kaya marami sa mga artista natin ang nagpapakasal o gustong magpakasal. Isa na nga si Angeline Quinto sa mga umamin na gusto na niyang mag-asawa.

Sinabi ito ni Angeline sa vlog ni Kim Chiu kung saan ay sumabak sila pareho sa lie detector challenge na pumalpak kaya bandang huli ay naging Q&A na lang at wala nang device.

Isa nga sa mga tanong ay kung ready na ba silang mag-asawa.

Ayon kay Kim ay hindi pa siya ready dahil 30 years old pa lang siya habang si Angeline naman ay mabilis na “oo naman” ang sagot.

Paliwanag ni Angeline, buhay pa ang kanyang adoptive mother na si Mama Bob ay ito na ang wish nito.

“Kasi before naman nu’ng nandito pa ang Mama Bob, ’yun talaga ’yung gusto niya. ’Yun nga ’yung isang wish ng mama ko sa akin na hindi ko naibigay habang nandito siya dati.

“Kaya nu’ng nawala ang mama, parang ako gusto ko naman talaga,” sey ni Angeline.

Dugtong pa niya, “Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills,” sabay-tawa.

Matatandaang last year ay kinumpirma ni Angeline that she’s in a relationship pero hindi na niya sinabi kung sino ang guy.

AUTHOR PROFILE