Ajsean

AJ at Sean, todo ang paghuhubad sa ‘Taya’

August 26, 2021 Vinia Vivar 1410 views

Tiyak na matutuwa ang mga kalalakihang manonood ng erotic thriller movie na Taya dahil talaga namang hitik na hitik sa sex scenes ang pelikula.

Napanood namin ang Taya sa press screening last Wednesday night sa ktx.ph at maging kami ay na-shock sa tapang ng pelikula dahil hindi lang sex ang ipinakita ng direktor na si Roman Perez Jr. kundi drugs at violence rin.

Sa love scenes pa lang nina Sean de Guzman at AJ Raval ay mabubusog na ang mga mata ng manonood dahil tumodo talaga ang dalawa at nagpakita rin ng maseselang bahagi.

May butt exposure si Sean at si AJ naman ay kung ilang beses nagpakita ng boobs.

Hindi rin nagpatalbog ang dalawang baguhang sexy stars na sina Angeli Khang at Jela Cuenca dahil nagpasilip din sila ng kanilang boobey. Pawang may love scenes sa aktor ang tatlong sexy stars.

Malalim ang tinalakay na paksa sa Taya at ito ay ang talamak na online betting na ang mapapanalunan ay droga, baril at babae.

May mga oras na hindi namin kinakaya ang violence sa movie at pinaka-shocker para sa amin ang naging ending ng karakter ni Sean.

Ang tagal talaga naming naka-move-on sa eksena.

Sabagay, ganito rin naman ang naramdaman namin nang mapanood namin ang previous film ni Direk Roman na Adan.

Anyway, kung fan kayo ng erotic thriller, tiyak na mai-enjoy n’yo ang Taya bukod pa nga sa bubusugin talaga kayo sa sexy scenes nina Sean, AJ, Angeli at Jela.

The movie is streaming starting today, August 27, sa iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

AUTHOR PROFILE