Kyla

Kyla nakunan sa pangatlong pagkakataon

August 26, 2021 Aster Amoyo 795 views

DUBBED R&B Queen of the Philippines, Kyla (40), Melanie Calumpad-Alvarez in real life, admitted that she had three miscarriages, twice in 2018 and another one in July this year. The singer-songwriter and husband, former cager Rich Alvarez have been wanting another baby as their son, Toby Elsiah is already 8 years old and also longing for a baby brother or baby sister.

Kyla and Rich started dating in 2005 and got engaged February 10, 2011. Nagpakasal sila sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati City nung November 6, 2011 at naging wedding song nila ang “My Heart” which was written for Kyla ng American singer-composer, record producer and actor na si Brian Mcknight (52).

Si Kyla ay nagtapos ng Mass Communications sa Philippine Christian University and her father is a lawyer.

SharonFrankie bumalik na sa New York for her studies

MULING naging emotional ang megastar na si Sharon Cuneta nang bumalik ng New York City, USA last August 25 ang panganay nilang anak ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pagnilinan upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa Pilipinas inabutan ng lockdown si Frankie kaya hindi ito agad nakabalik ng Amerika for her studies.

Bukod kay Sharon and her husband Sen. Kiko, sobra ring nalungkot ang isa pa nilang anak na si Miel dahil super close ito sa kanyang Ate Frankie whom she considers as her best friend.

Umaasa si Sharon na muli nilang makakasama si Frankie sa darating na December during her Christmas break.

Bukod sa pagiging singer, kilala rin si Frankie sa pagiging matalino at pagiging vocal at opinionated.

Samantala, masayang-masaya si Sharon nang iparating sa kanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva na isa ang kanyang “Revirginized” film sa mga top streamed movies on Vivamax streaming app. Ang “Revirginized” ay mula sa panulat at direksyon ng young filmmaker na si Darryl Yap.

MarkMark Anthony may dahilan bakit hindi nagtanggal ng shades

MARAMI ang nag-react sa mga nakapanood (including my niece na si Glenda Esperas ) sa guesting ng actor na si Mark Anthony Fernandez sa well-followed segment ng “Eat Bulaga” ang “Bawal Judgmental” dahil hindi nito tinanggal ang kanyang shades. Nakasama ni Mark Anthony ang iba pang aktor sa nasabing segment sina Efren Reyes, Kier Legaspi, Jestoni Alarcon at Jeric Raval. Sa entire segment ng “Bawal Judgmental” ay hindi talaga nagtanggal ng kanyang shades ang actor kahit during the interview portion sa kanya ng mga host na sina Ryan Agoncillo at ng dating beauty queen na si MJ Lastimosa. Maraming manonood tuloy ang na-turn off sa kanya. Pero ang hindi alam ng viewers ng “Eat Bulaga” ay para lamang matakpan ang ahit na kilay ng actor. Inahit ang kilay ni Mark Anthony dahil sa kanyang role sa pelikulang “Barumbadings” na pinagsasamahan nila nina Jeric Raval at Baron Geisler mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap under Viva Films na nakatakdang ipalabas sa Vivamax. In the movie ay mag-aayos babae ang tatlo.

Nag-enjoy ang limang actor sa kanilang first virtual guesting sa “Bawal Judgmental”.

Yam hindi sigurado kung babalik pa

MAGTATAPOS na ang top-rating primetime romance-drama series na “Init sa Magdamag kung saan tampok na mga bituin sina Gerald Anderson, JM de Guzman at Yam Concepcion na nagsimulang umere nung April 19, 2021. Ang nasabing serye ay first major lead role ni Yam who recently got married to her New York-based non-showbiz husband na si Miguel CuUnjieng in the Big Apple. Ang nasabing serye ay first TV series din ni Gerald after his controversial break-up with Bea Alonzo at kung saan din ipinakita ni JM ang kanyang husay sa pag-arte in a very challenging role.

Ngayong kasal na si Yam at kasalukuyang nasa New York with her husband, wala pang linaw kung babalikan pa ang aktres ang pag-arte lulupa’t ngayon lamang siya nabigyan ng kanyang first major lead role.

Samantala, napakasuwerte ni JM na dalawang beses siyang nabigyan ng chance ng ABS-CBN matapos siyang maligaw at magumon noon sa ipinagbabawal na gamot na sobrang pinagsisihan ng actor.

Sa “Init sa Magdamag,” ay ipinakita ni JM that he is one of the best actors among his peers.

AllanAllan K muling nagtayo ng negosyo

COVID-19 survivor, singer-comedian, TV host and entrepreneur Allan K (Allan Jovenes Quilantang in real life) is not a quitter dahil sa kabila ng sunud-sunod na pagsubok sa kanyang buhay sa gitna ng pandemya ay nagawa pa rin niyang bumangon at magsimulang muli.

Unknown to many, si Allan ay dinapuan ng coronavirus that sent him to ICU for three days but he survived. Sa simula ng lockdown nung isang taon, nagsara ang mga comedy bars at kasama na rito ang dalawang pag-aari niyang Klownz and Zirkoh. He also lost his two siblings. Nasa alternating basis na rin ang kanyang exposure sa “Eat Bulaga,” ang noontime show na kinabilangan niya for the last 25 years since 1995.

Matapos niyang ma-bankrupt dahil sa kanyang dalawang comedy bars na nagsara, may dalawang bagong business na muling itinayo si Allan K.–ang Koban Japanese restaurant na matatagpuan along Tomas Morato in Quezon City at isang resto-bar in Las Pinas City, ang Zirkulo.

Ang pakiramdam ni Allan ay ngayon lamang siya muling nagsisimula sa kanyang pagnenegosyo.

MulachAndres bumalik ng Spain para mag-aral

AFTER his summer break in Manila with his family, muling bumalik ng Spain si Andres Muhlach, the other half ng twin children ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.

Ang twin sister ni Andres na si Atasha ay naiwan sa Pilipinas pero ito’y nag-aaral online sa isang unibersidad ng United Kingdom. Kapag naging maayos na ang sitwasyon, tiyak na lilipad din ito patungong U.K. si Atasha para naman sa kanyang face to face class.

Natutuwa ang mag-asawang Aga at Charlene na studies ang priority ng kanilang kambal.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE