Angela

Angela, na-trauma sa manyak

August 29, 2022 Ian F. Fariñas 301 views

NA-TRAUMA sa manyak ang sexy star na si Angela Morena.

Ito ang inamin niya sa virtual media conference kahapon ng bagong pelikula sa Viva, ang 5-in-1, sa ilalim ng direksyon ni Direk GB Sampedro.

Kwento ni Angela, matagal na itong nangyari sa kanya.

“Ang ginawa ko, nagsampa ako ng kaso. Nahuli kasi namin ’yung lalaki, eh. ’Yun po. Trauma sa akin ’yon. So takot lang ako sa mga manyak. Ewan ko kung manyak ba ‘yung tawag du’n,” pagbabalik-tanaw niya.

Bukod doon, hindi na siya nag-elaborate pa kung sa anong paraan siya binastos ng lalaking kinasuhan.

Anyway, kasama sina Wilbert Ross, Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca, Giselle Sanchez, atbp., ang 5-in-1 ay umiikot sa chick magnet na si John “Dick” Jordi (Wilbert), isang coffee business owner na may limang girlfriends.

Sa kasamaang palad, maaga niyang maiiwan ang negosyo’t mga karelasyon na sasaluhin ng kapatid niyang si Sister Teresa (Giselle).

Si Sister Teresa ang pipili kung sino sa limang babae ang karapat-dapat na pumalit at maging CEO ng coffee business ni Dick.

Ang 5-in-1 ay eksklusibong mapapanood sa Vivamax simula September 23.

AUTHOR PROFILE