Arjo

Engagement kay Cong. Arjo, surreal pa rin kay Maine

August 29, 2022 Ian F. Fariñas 336 views

ISANG buwan nang engaged si Maine Mendoza kay QC (1st district) Cong. Arjo Atayde pero hanggang ngayon ay surreal pa rin sa Eat Bulaga Dabarkads ang pangyayari.

Sa isang video post sa Instagram, ikinuwento ng showbiz pair ang mga kaganapan sa romantiko at mala-fairy tale na marriage proposal na naganap nu’ng July 28.

Sabi ni Cong. Arjo, isang taon nang nasa kanya ang engagement ring at ganu’n din niya katagal plinano ang lahat.

Nagkaroon lang ng konting delay dahil sa isang pangyayari na may kinalaman sa kanilang pamilya.

Pinaghanda nila ang walang kamuwang-muwang na si Maine para sa isang kunwa-kunwariang magazine shoot na kumpleto sa mamahaling mga bulaklak at display ng bonggang fireworks.

“To be honest, it hasn’t really sunk in yet,” ani Maine. “Parang I’m still in Cloud 9. Sobrang bilis ng pangyayari. It all happened so fast but we’re here now.”

Lagi nga raw sinasabi ni Maine na para siyang prinsesa sa piling ni Cong. Arjo.

“The way he loves and cares for me, parang sobra. And sometimes I ask the Lord ‘what have i done to deserve this kind of love?’ I’ve always prayed to find a man na who’s gonna love me for who I am and you came,” turan pa ni Maine sa video.

Touching ang mga sinabi ni Cong. Arjo sa proposal habang pareho silang lumuluha ng fiancee.

Aniya, “When our relationship started, both our families had to take in a lot of punches and still it never stopped us. It didn’t stop anything between us. For that I’m very thankful for both sides of our families for accepting ’coz at the end of the day, I just wanted to love you truly.

“I’m at the point of my life where I don’t know loving someone as much as I love you is even possible. It’s too much, it’s so much. I can’t even explain.

I’ve had this for more than a year (habang hawak ang singsing). I’ve always been sure of you, always, everyday.”

Wala pang ibinibigay na altar date ang engaged couple dahil gusto muna raw nilang i-enjoy ang pagiging engaged at bumiyahe sa iba’t ibang bansa nang magkasama.

Pero kung si Cong. Arjo ang tatanungin, nakadepende kay Maine kung kailan nito gustong gawin ang wedding.

Basta para sa kanya, ready siya para rito anumang oras.

AUTHOR PROFILE