Angel

Angel, kumampi sa medical workers

September 12, 2021 Vinia Vivar 324 views

Hindi napigilang maglabas ng saloobin si Angel Locsin sa ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga ka-meeting na doktor base sa leaked video na kumalat last Friday.

Sa naturang video na nag-viral, makikitang galit na galit na sinesermonan ni Roque ang grupo ng mga doktor sa ginanap na IATF (Inter-Agency Task Force) Zoom meeting last Sept. 7.

Ayon sa report, sa naturang meeting ay nakikiusap ang mga doktor na magkaroon ng two weeks hard lockdown dahil nga sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pero tila minasama ni Roque ang suggestion at nagtaas na ng boses na siya ngang makikita sa leaked video.

“We are employing an entire government approach to the problem. not sit there as if you are the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people?

“Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives, for crying out loud! No one in government wants a single life lost! No one!” ang galit na galit na sabi ni Roque sa video.

Idiniin din niyang wala na raw sinabing maganda ang grupo ng mga doktor hinggil sa pagresponde ng gobyerno sa pandemya.

Marami ang bumatikos sa inasal ni Roque at isa na nga si Angel sa mga nagbigay ng kanyang opinyon sa kanyang ipinost na Instagram Story.

“Naiintindihan ko ‘yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermonan ‘yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?

“‘Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba si DOH o employer ng medical workers?

“Ang employee may karapatan na benefits. Ibigay kaya muna ‘yung benefits na hindi pa nababayaran,” ang pahayag ni Angel.

As we all know ay isa ang aktres sa mga nagmamalasakit sa ating mga health worker noon pa man.

Madalas siyang magbigay ng tulong sa mga ito at lagi niyang pinupuri ang kabayanihang nagagawa ng mga ito sa ating bansa sa gitna ng pandemya.

AUTHOR PROFILE