Marya

Marya, inamin ang ‘madilim’ na pinagdaanan

September 12, 2021 Vinia Vivar 303 views

Maging si Diamond Star Maricel Soriano ay sumabak na rin sa mundo ng vlogging. May sarili na siyang YouTube channel ngayon called “Marya: The Maricel Soriano Channel.”

For her first vlog, she was interviewed by manager, Biboy Arboleda at nag-open-up si Marya sa aniya’y madilim na pinagdadaanan niya noong time na yumao ang kanyang ina.

“Hindi ko matanggap (na wala na ang kanyang ina), nakalimutan kong mag-escape. Ibang escape ang napuntahan ko. Napunta ako sa isang escape na gloomy, masalimuot, madilim, mag-isa ka lang. Hindi maganda,” pag-amin ni Maricel na nagsimula nang maging emosyonal.

“Nalungkot ako para sa sarili ko. Pinagsisisihan ko ba? Oo. May part din na okay kasi nadaanan ko. At least nasabi kong dinaanan ko, pero hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi ko dinaanan ‘yun. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ‘yung pinuntahan ko,” dagdag pa niya.

Nang mamatay daw ang ina ay nagpahinga siya sa kanyang career at gabi-gabi ay pinupuntahan niya ang puntod nito.

“Every night, nandu’n ako sa mommy ko. Tinatanong kung bakit kailangan mong mauna kesa sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ‘yung nanay ko,” emosyonal na sabi ni Maria.

Kung may buburahin daw siya sa buhay niya ay itong part na ito ang buburahin niya.

Nasabi rin niyang dahil sa mga anak niyang sina Sebastien at Marron kaya ninais niyang umalis sa madilim na lugar na napuntahan.

“Kaya nga ako nahihiya sa mga anak ko dahil kasi hindi ako marunong magtago. Open ako. Kaya nu’ng nag-worry na sila sa akin, doon na ako nag-umpisang magising. Inayos ko ang sarili ko, siyempre, tinulungan ako ng mga kaibigan ko,” she said.

She added, “Gusto ko talagang umalis sa dark place na ‘yun. Kasi kailangang gusto mo, eh. Kasi kung ayaw mo, kahit anong gawin ng lahat ng tao, hindi mangyayari.”

That time ay nagwo-worry rin siya kung makakabalik pa siya at kung may magbibigay pa sa kanya ng chance kaya naman sobrang thankful niya na tinulungan siya nina ABS-CBN executive Cory Vidanes, manager na si Biboy at Direk Wenn Deramas (SLN) na nagtiwala sa kanya at naging dahilan para makabalik siyang muli sa limelight.

AUTHOR PROFILE