Ang nangyari sa unang date nina Michelle at Oliver

April 15, 2024 Aster Amoyo 124 views

NAGING maganda ang usapan ng Kapuso actress at 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Dee at ang 32-year-old single Filipino-German lawyer na si Oliver Moeller sa kanilang unang date. Ito ay matapos mapili ni Michelle si Oliver bilang isa sa tatlong searches ng “EXpecially for You” ng noontime program na “It’s Showtime” samakasaysayang unang araw ng airing ng programa on GMA nung nakaraang April 6, 20224. Ang nasabing segment ay nag-trending on X (dating Twitter) at sobrang tinutukan ng mga manonood.

The 32-year-old Filipino-German young lawyer is very much single at hindi malayong ma-fall sa dalaga ng 1979 Miss International-actress na si Melanie Marquez at businessman at dating actor na si Derek Dee.

Parehong matalino nina Michelle at Oliver na tila attracted sa isa’t isa nang magkaharap na. Lalong nadagdagdan ang paghanga nila nang sila’y magkakuwentuhan during their first date na siyang nakuhang premyo ng binata nang siya ang mapiling searchee ni Michelle. Ang maganda, parehong unattached ang dalawa at hanga si Oliver sa ganda at talino ni Michelle na gusto pa niyang makilala nang husto. Marami rin silang na-discover na common interests. They hit it off right away sa unang beses pa lamang nilang nagkaharap.

Natitiyak naming nagsimula nang magkatawagan at magpalitan ng text messages sa isa’t isa.

Michelle is celebrating her 29th birthday on April 24 at dito natin malalaman kung may `pasabog’ ang binatang lawyer from Cebu na hindi malayong manligaw sa Kapuso actress.

Ayon na rin mismo sa binatang lawyer, bukas umano siya sa lahat ng pintuan ngayong nakilala na niya si Michelle.

Natitiyak din namin na pati ang kanilang respective families and friends ay kinikilig sa posibilidad na mauwi sa ligawan ang lahat.

In the meantime, patuloy na nakasubaybay ang publiko kung saan dadalhin ng tadhana ang unang date nina Michelle at Oliver.

Andres pasok na rin sa showbiz

AndresAndres1Andres2PAGKATAPOS ni Atasha Muhlach, nasa bakuran na rin ng Viva Artists Agency (VAA) ang twin brother nitong si Andres Muhlach matapos itong lumagda ng kontrata ngayong Monday, April 15 na ginanap sa Viva Café in Quezon City.

Sina Atasha at Andres ay ang 22-year-old twins ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach.

Sa Viva ipinagkatiwala ng celebrity couple ng respective showbiz careers ng kanilang mga anak dahil ang Viva rin ang nagbigay ng malaking break kay Aga bilang teen-age actor sa pamamagitan ng hit movie na “Bagets” nung 1984 (40 years ago) na siya ring nag-launch ng respective movie careers nina William Martinez, Raymond Lauchengco, Herbert Bautista at J.C. Bonnin. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes.

Sina Atasha at Andres ay parehong tinupad ang kanilang pangako sa kanilang parents na tatapusin muna nila ang kanilang pag-aaral bago pumasok ng showbiz. Si Atasha ay nagtapos ng college in London at sa Spain naman nag-aral si Andres.

Si Atasha ay regular nang napapanood ngayon bilang isa sa co-hosts sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey on TV5.

Jolina balik sa pag-arte

JolinaJolina1Jolina2MASAYA ang singer, actress at host na Jolina Magdangal na babalikan niya ang pag-arte sa isang bagong serye produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Matagal-tagal na ring panahong hindi nakakagawa ng TV series si Jolina na ang huli ay ang 2015 TV series na “Flordeliza” on ABS-CBN. But a year after that ay naging bahagi siya ng successful daily morning show na “Magandang Buhay” (also on ABS-CBN) along with Karla Estrada and Melai Cantiveros now on its 8th year. Nang iwan ni Karla ang programa ay pumalit sa kanya ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez.

Si Jolina ay isa sa discoveries ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab at ito’y naging bahagi ng 14K teen group. Nang mag-perform ang 14K sa dating musical show ni Maestro Ryan, ang “Ryan, Ryan Musikahan” ay doon napansin ang bata pa noong si Jolina. Inimbitahan niya itong mag-guest sa dating comedy show na “Mana” na siyang nagsilbing audition sa kanya.

Hindi nagtagal ay naging bahagi siya ng youth-oriented program ng ABS-CBN, ang “Ang TV” na sinundan ng kanyang pagiging bahagi ng Star Magic (dating Star Circle) bilang isa sa pioneer talents na pinamunuan dati ni Mr. M (Johnny Manahan).

Nung nasa bakuran ng Star Circle si Jolina ay napag-sabay nito ang singing at acting at doon nabuo ang kanilang tambalan nila ni Marvin Agustin na isa nang matagumpay na restaurateur at businessman ngayon.

Now successfully married sa kilalang drummer ng Rivermaya Band na si Mark Escueta with two kids na sina Pele Inigo (10) at Vika Anaya (5), isa si Jolina sa matagumpay na nakapag-cross over sa iba’t ibang platform at hanggang ngayon ay aktibo pa rin since her 14K days when she was 11 years old at mahigit tatlong dekada na rin sa showbiz.

Ang loveteam nila ni Marvin ay isa sa pinaka-successful tandems in showbiz nung dekada nobenta hanggang early 2000. Malaki ang naging papel sa buhay ni Jolina sina Master Ryan Cayabyab at Johnny Manahan maging ng kanyang mga fans kung anuman ang narating ni Jolina. Malaki rin ang role ng kanyang parents na sina Jun at Paulette Perez-Magdangal na siyang tumutok sa career ng kanilang anak.

Iniwan ng ama ni Jolina na si Jun Magdangal ang kanyang magandang trabaho at posisyon sa San Miguel Corporation bilang bahagi ng marketing and PR sa loob ng 21 years at pagta—trabaho sa Landbank of the Philippine na ina ng singer-actress na si Paulette bilang katuwang ni Jun hindi lamang sa pamamahala ng karera ng kanilang anak kundi maging sa kanilang mga itinayong negosyo.

Sobrang thankful si Jolina sa kanyang mga magulang na siyang gumabay sa kanya mula pagkabata hanggang sa kanyang pag-aasawa.

“They played an important role kung nasaan man ako ngayon,” pahayag ng misis ni Mark Escueta.

Samantala, hindi man si Marvin ang nakatuluyan ni Jolina sa totoong buhay ay nanatili naman ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngayon.

Hindi man nag-asawa si Marvin, meron itong twin sons na pareho nang tinedyer ngayon, sina Sebastian at Santiago.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE