Andrew

Andrew sa trending kissing scene kay AJ: ’Di siya naospital

September 16, 2021 Vinia Vivar 589 views

Hindi makapaniwala ang comedian-rapper na si Andrew E. na at his age ay mabibigyan pa siya ng chance na makapareha sa isang pelikula ang young sexy stars tulad nga nina AJ Raval at Sunshine Guimary sa latest offering ng Vivamax na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan!

“Unbelievable,” sagot niya agad nang matanong sa mediacon kung ano ang reaksyon niya na may kissing scene siya sa 25-year-old Pantasya ng Bayan na si AJ.

“Hindi ako makapaniwala na a very promising, much more than promising young actress, AJ Raval would be partnered with me and at the same time, magkakaroon pa ako ng kissing scene na pinag-uusapan nga ngayon ng buong bansa,” sey pa ni Andrew.

Bale ba ay first day daw kinunan ang kissing scene nila ni AJ sa movie at biro nga ni Andrew, “Natutuwa ako na pagkatapos ng kissing scene namin, eh, hindi siya naospital, okay naman siya.”

Natanong din si Andrew kung nagpaalam ba siya or nagpasintabi sa ama ni AJ na si Jeric Raval regarding the kissing scene dahil nga halos sabay silang sumikat noong dekada ’90.

Ayon kay Andrew E, bagama’t halos magkasabayan nga sila sa showbiz ay hindi sila nabigyan ng pagkakataong maging magkaibigan dahil magkaiba sila ng produksyon.

Nasa Viva raw siya habang si Jeric ay nasa OctoArts.

Pero may isang pagkakataon daw na nagkasama sila sa isang big concert sa Jolo, Sulu at doon daw sila nagkakilala.

“He’s a good fellow, he’s a good person and what I discovered was ano pala siya, katulad ko rin na collector din pala siya ng toy cars. So, binigyan niya ako ng hints and mga advice kung ano ‘yung toy cars na dapat kino-collect and things like that,” kwento ni Andrew.

Pero pagkatapos no’n ay hindi na sila nagkita pa.

“So, kung pasintabi ang tanong, hindi rin ako nagkaroon ng chance and the next thing I knew would be mayroon na akong movie with AJ,” pahayag ni Andrew.

Samantala, ang Shoot! Shoot! ay matatandaang original song ni Andrew na naging na naging hit TikTok trend at ngayon nga ay ginawa nang pelikula ng Viva.

Trailer pa lang ay ng pelikula ay tinangkilik na nga agad ng netizens at umabot na sa 6.5 million ang views nito sa loob lamang ng 48 hours.

Mula sa direksyon ni Al Tantay, mapapanood na ang Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan! sa October 1, sa pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax, ang Vivamax Plus.

AUTHOR PROFILE