Inigo

Inigo bida sa isang Hollywood movie

September 16, 2021 Aster Amoyo 588 views

Inigo1Lovi1SINGER-songwriter and actor-host Inigo Pascual got his biggest surprise birthday gift ever when it was announced that he will be playing one of the leads in the upcoming Fox Entertainment musical drama series “Monarch,” an epic, multi-generational musical drama about America’s first family of country music, the Romans. Ito’y pangungunahan ng Oscar winner na si Susan Sarandon playing the role as Dottie Cantrell Roman, Queen of Country Music, Trace Adkins as the loving husband Albie Roman. Tampok din sa nasabing upcoming country music-drama series sina Anna Friel who will play the role as Nicholette ` Nicky’Roman, the heir to the throne, Meagan Holder as Kayla Taylor-Roman. Kasama rin sa nasabing serye ang actress-musician na si Beth Ditto at iba pa to be directed by Jason Ensler (“The Passage”) with Michael Rauch as one of the executive producers and show runner. Si Adam Sanders naman ang tatayong executive music producer. The series will feature both original music and covers.

“Monarch” was created by screenwriter Melissa London Hilfers na isa rin sa tumatayong executive producer and produced by Fox Entertainment and will premiere on January 30, 2022.

Bukod kay Inigo, tuwang-tuwa siyempre ang kanyang ama, ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual and their Kapamilya family maging ang fans ng young singer-actor na nakilala nang husto sa pamamagitan ng kanyang signature hit song na pinamagatang “Dahil Sa `Yo” in 2016.

Inigo turned 24 last Tuesday, September 14.

Vivamax goes international

IBINALITA ng top honcho ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario na patuloy sa pagiging No. 1 ng Vivamax sa Google Play in the Philippines na inaasahan niyang aabot ng 1M subscribers come December this year ang pushing for its global reach not only in the Middle East, Japan, Singapore, Malaysia kundi come October 1 ay madadagdagan ito ng Australia, New Zealand, Indonesia, Thailand, Vietnam, Maldives and Europe. And on November 20 ay nakatakdang i-launch ang Vivamax sa US, North America, Hawaii, Guam, Saipan at iba pang lugar.

“Vivamax is going global,” proud na pahayag ni Boss Vic.

Bukod sa mga original Vivamax materials, mapapanood na rin sa Vivamax ang iba pang contents tulad ng concerts, documentaries, series at iba pa.

“By December, we’re hoping to show two new movies a week. At least eight new materials a month,” aniya.

Ibinalita rin sa amin ni Boss Vic na nakatakdang gumawa sa Viva ng tatlong pelikula ang Cannes’ best director na si Brillante Mendoza at ang isa sa tatlong pelikula ay pagbibidahan ni Nadine Lustre who’s doing “Greed” next month with Yam Laranas at the helm.

“Tuluy-tuloy lang ang Viva sa pagpu-produce ng new movies and materials,” paniniguro pa ni Boss Vic.

Samantala, inamin ni Boss Vic na nagkaroon ng delay ang pagsisimula ng unang tambalan sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na pamamahalaan ni Ruel Naval (of #Miracle in Cell No. 7 fame) dahil umano sa schedule ng Kapuso actor. Ang dalawa ay magtatambal sa local adaptation ng Korean movie na “A Moment to Remember”. The movie will be co-produced ng Viva Films, GMA Pictures and APT Entertainment na siyang may tangan ng exclusive movie contract ni Alden.

Liz may bago na namang project

NATUTUWA ang nagbabalik-showbiz at isa sa mga original `Angels’ ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa pelikulang “Dolphy Angels” in 1980 na si Liz Alindogan dahil magmula nang mag-sign-up siya with Viva ay naging sunud-sunod ang kanyang proyekto. Kasama si Liz sa kauna-unahang TV series ni Julia Barretto sa TV, ang “Di Na Muli” na tinatampukan din nina Marco Gumabao, Marco Gallo, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Baron Geisler at iba pa. Nasa cast din siya ng pelikulang “House Tour” at kasalukuyan siyang nasa lock-in shoot ng pelikulang “Mahjong Nights” na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo at kung saan tampok din ang nagbabalik-pelikula at Viva na si Jay Manalo. Kasama rin sa movie ang iba pang Viva talents na sina Sean de Guzman, Angelie Khang, Mickey Ferriols, Arnell Ignacio at Jamila Obispo. Ang nasabing pelikula ay isang black comedy, erotic and thriller ang tema.

LoviLovi kapamilya na

AFTER being with GMA for 15 years, isa nang Kapamilya ang singer-actress na si Lovi Poe matapos itong lumagda ng kontrata with ABS-CBN last Thursday, September 16 na dinaluhan ng mga big bosses ng Kapamilya network tulad nina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Rick Tan, ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

Bukod kay Lovi, naunang nag-ober da bakod ang dalawa pang Kapuso stars na sina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez na tampok sa bagong simulang primetime TV series na “Marry Me, Marry You”.

May ilang buwan na ring lumulutang ang balitang paglipat ni Lovi sa Kapamilya Network na natuldukan lamang matapos itong pumirma ng exclusive contract with ABS-CBN.

Anyday soon ay ihahayag na ang kanyang magiging unang proyekto sa kanyang bagong home studio, isang TV series na pagtatambalan nila ni Piolo Pascual. Pero sa kabila ng kanyang paglipat sa ABS-CBN, Lovi will be forever thankful sa GMA na naging tahanan niya sa loob ng 15 taon since 2006.

Si Lovi ay huling napanood sa Kapuso network sa TV series na “Owe My Love” na nagtapos sa ere nung nakaraang June 4, 2021.

Looking forward naman ang dalaga ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. na makatrabaho ang mga Kapamilya actors na pangungunahan mismo ni Piolo who just renewed his contract with ABS-CBN, ang kanyang home studio for over 25 years.

PioloPiolo muling lumagda sa ABS-CBN

PINANGATAWANAN ng Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual ang kanyang pangako na never umano siya umalis ng ABS-CBN sa kabila ng kanyang pag-alis sa long-running Sunday musical show na “ASAP Natin `To” to host its rival program on TV5, ang “Sunday Noontime Live” na tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan.

Kasabay ng paglagda ni Lovi Poe bilang bagong Kapamilya last Thursday, September 16, ay muling nag-renew si Piolo ng kontrata sa kanyang home studio for the last 25 years.

Kung dati-rati’y sinabi ni Piolo na gusto muna niyang magpahinga sa paggawa ng teleyerse after “Since I Found You” in 2018, mukhang nagbago ang kanyang isip dahil may dalawang magkasunod na TV series siyang gagawin, isang drama series with Lovi Poe at isang comedy series with Angelica Panganiban.

Ngayong muli siyang mag-renew ng kanyang kontrata with ABS-CBN, inaasahan naman ng kanyang mga fans na sana’y bumalik ito sa “ASAP Natin `To” where he was part of for many years.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyol.

AUTHOR PROFILE