Andres big fan nina Aga at John Lloyd

April 17, 2024 Aster Amoyo 108 views

Andres1Andres2KUNG tinapos muna ni Atasha Muhlach ang kanyang pag-aaral ng business course (with honors) in Nottingham Trent University in London, hindi pa tapos ang kanyang twin brother na si Andres Muhlach sa kanyang pag-aaral ng business and communication course in a university in Madrid, Spain. Ayon na rin mismo kay Andres, tatapusin na umano niya ito sa Pilipinas matapos niyang lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) recently kung saan din unang nakakontrata si Atasha nung isang taon.

Ang twins na sina Andres at Atasha ay mga anak ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach.

Hindi naman kataka-taka ang pagpasok sa showbiz ng kambal dahil kabilang sila sa showbiz royalty ng mga Muhlach at Bonnin.

Ang parents ni Charlene or maternal grandparents ng twins na sina Bernard Bonnin at Elvie Gonzales ay parehong nagmula sa showbiz gayundin sa pamilya ng mga Muhlach. Uncle din nila ang dating actors na sina Richard at JC Bonnin. Ang yumaong movie queen na si Amalia Fuentes ay paternal grandmother ng kambal. Uncle nila ng dating Child Wonder na si Nino Muhlach at tiyahin nila ang actress na si Almira Muhlach na half-sister ng kanilang amang si Aga.

Kahit twins sina Andres at Atasha, aminado ang una na opposite umano ang kanilang ugali. Mas outgoing umano si Atasha habang siya ay may pagka-shy-type na gusto niyang ma-overcome lalupa’t nasa showbiz na rin siya.

He looks up to his parents as his idols but looking forward to work with actor John Lloyd Cruz na isa rin sa kanyang hinahangaan sa industriya.

Hindi umano nagkukulang ang kanilang parents sa pagpapaalala sa kanila na matuto silang makisama sa lahat at maging professional sa kanilang trabaho.

May kasama umanong pressure ang pagpasok ni Andres sa showbiz dahil hindi umano maiiwasang maikumpara siya sa kanyang amang si Aga who was once a matinee idol.

“I am also a big fan of my dad,” aniya. “Siyempre, iisa lang naman ang Aga Muhlach and he is incomparable. But he’s my inspiration,” pahayag ni Andres who is 6’2” and taller than his father Aga.

Bukod sa dancing, mahilig maglaro ng basketball si Andres na puwedeng maging isang professional basketball player kung nanaisin nito.

Oliver bumalik sa ‘It’s Showtime’ dahil kay Kim?

HINDI ikinakaila ng young lawyer from Cebu na si Atty. Oliver Moeller (32) na maraming magagandang opportunities ang dumating sa kanya matapos siyang maging instant celebrity sa dating game segment ng noontime program na “It’s Showtime,” ang “EXpecially for You” kung saan siya ang napili ng Kapuso actress at 2023 Miss Universe-Philippines na si Michelle Dee nung April 6, 2024, unang airing ng programa on GMA.

Natuloy ang kanilang date ni Michelle on same day at nagkaroon agad ng instant rapport ang dalawa. Oliver finds Michelle not only pretty but elegant and intelligent as well. But ten days after his first appearance on “It’s Showtime” ay muling bumalik sa programa si Oliver to thank the people on the program na nagbukas sa kanya ng iba pang opportunity. Pero naniniwala ang iba na ang isa sa dahilan ng kanyang pagdalaw sa programa ay gusto niyang mapalapit sa kanyang kapwa Cebuano na si Kim Chiu na isa umano sa hinahangaan ng young lawyer. Nang makita si Oliver sa audience, biniro siya nina Vice Ganda at Vhong Navarro na si Kim umano ang dahilan ng kanyang muling pagdating sa studio ng “It’s Showtime”.

Dahil sa kanyang pagiging instant celebrity, hindi lamang ang kanyang pamilya and friends ang natuwa sa kanya kundi maging ang kanyang mga kababayan sa Cebu. Katunayan, naging instant star umano siya nang siya’y bumalik ng Cebu after his guesting on “It’s Showtime” nang siya’y lumapag ng Cebu International Airport.

Bukas sa posibilidad si Oliver na pasukin din ang showbiz at kung ang Star Magic ng ABS-CBN ang kukuha sa kanya, hindi malayong itambal siya sa kanyang crush na si Kim Chiu. At kung sa GMA naman siya pipirma ng kontrata ay malamang na bigyan sila ni Michelle Dee ng proyekto.

Ang 32-year old young lawyer took his masteral law in Australia kung saan siya namalagi sa loob ng apat na taon.

Matapos mag-trending on X (dating Twitter), hindi na maitatago ang identity ni Atty. Oliver Moeller sa publiko.

Samantala, ano kaya ang magiging reaction ni Oliver kapag nakita niya in person ang Kapamilya idol na si Piolo Pascual kung kanino malaki ang kanyang hawig?

Si Daniel sa groundbreaking, si Alden sa housewarming

KathnielKathdenDURING the house ground-breaking ng dream house ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ay ang ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla ang kanyang kasama na nangyari nung 2020 sa gitna ng pandemic. Pero nang mabuo ang bahay at dumating ang grand housewarming nung April 11, 2023 ay ang kanyang co-star sa “Hello, Love, Goodbye” na si Alden Richards ang stand-out among her celebrity guests, the third successive special occasion ni Kathryn na dumalo ang Kapuso prized actor.

Marami ang naniniwala na nanliligaw na si Alden kay Kathryn bagay na ikinatutuwa ng KathDen fans ng dalawa.

Hindi naman nahirapan si Alden na mag-adjust hindi lamang sa pamilya ng dalaga kundi maging sa malalapit nitong mga kaibigan in and out of the industry.

As early as December 2023 ay unti-unti nang naglipat ng mga gamit si Kathryn at ang kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay in Antipolo City.

Roxanne masaya na sa pagiging nanay

IT was in 2022 nang tuluyang talikuran ng Fil-Am singer-actress na si Roxanne Barcelo ang kanyang showbiz career sa Pilipinas to join her foreigner husband na si Jiggs sa Taiwan kung saan ito naka-assign. At that time ay ang panganay nilang anak na si Cinco pa lamang ang kanilang anak na nadagdagan ng isa pang boy na si Theo, now one-year-old.

Although nami-miss ni Roxanne ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, hindi umano matutumbasan ng anupaman ang joy na kanyang nararamdaman ngayon bilang housewife to Jiggs and mother to their two sons.

Roxanne was previously in a relationship with actor, model and ex-PBB housemate na si Will Devaugn (Stumph) na meron na ring almost five-year-old son na si Marcus Orion sa kanyang Filipina-Dutch partner na si Cay Kujipers.

Ang mga babae sa buhay ni Darren

DarrenDarren1KUNG hindi pa nag-guest si Darren Espanto sa “Fast Talk with Boy Abunda” recently ay hindi malalaman ng mga manonood na naging sila pala noon ng Kapuso singer-actress na si Kyline Alcantara which the singer-actor considered `puppy love’ dahil pareho pa umano silang mga bata.

Ayon kay Darren, tumagal din ng isang taon ang kanilang relasyon ni Kyline na nauwi sa hiwalayan nang magkaroon sila ng misunderstanding. Although magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon. After Darren ay naging nobyo ni Kyline ang twin brother ni Cassy Legaspi na si Mavy Legaspi pero hiwalay na rin sila. Si Darren naman ay best friend ni Cassy, ang twin sister ni Mavy kaya close na magkaibigan din ang dalawa.

Inamin din ni Darren na naging sila rin sandali ng dalaga ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda.

Since bahagi na rin si Darren sa mga hosts ng “It’s Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda, madalas siyang itinutukso ni Vice sa mga nagiging guest ng programa tulad ni Jillian Ward na isang Kapuso star.

Marami naman ang nagtataka kung bakit hanggang sa pagiging mag-best friends lamang ang turingan nina Darren at Cassy?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE