Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 17, 2024 People's Tonight 77 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4Tiktok5WHAT can’t she do? Nothing, dahil ang TikTok star na ito ay tila talaga namang hindi magpapatalo kapag pinag-usapan ang mga kayang gawin sa buhay.

Sa iba’t ibang larangan siya nakilala. Mula sa content creation, pagiging gamer, hosting, model, at pagiging brand endorser, talaga namang hinding-hindi siya mabuburyo sa buhay dahil literal na puno ng mga gawain ang kanyang buhay.

Kaya naman ang TikTok star na ito ay inaabangan sa online world. Ating kilalanin si Charlene Pega, ang TikTok star na ubod ng talento. Hindi na nakakapagtaka kung bakit humakot siya ng 983.5K followers at 4.7M likes.

Ang husay niya sa mga nabanggit na larangan ay ilan lamang sa mga kaya niyang gawin. Pero isa lang ang hindi maikakaila kay Charlene, ito ay ang kakayahan niyang bihagin ang puso mo. Kaya naman, kung gusto mo pa siya makilala, puntahan mo na ang kanyang profile: @charlenepega dahil baka ikaw na ang susunod na magiging kabiyak niya!

AUTHOR PROFILE